24: Grave Of Sacrifices

966 63 4
                                    

Gabi na at madilim sapagkat natatabunan ang buwan ng mga makapal na ulap na para bang nagbabadyang bumagsak at bumuhos ng malakas na ulan.

Malakas ang kulog at sunod sunod ang mga kidlat. Maging ang ihip ng hangin ay malakas din.

"Why do you want to go to this place?" tanong ni Apollo habang hawak ngayon ang isang lamparang nagsisilbing ilaw namin sa dilim.

Suot ko ang itim na talukbong na nagsisilbing panangga ko sa hangin at sa ginaw.

"Because they are here," sagot ko habang nakatingin sa puntod ng mga taong nagsakripisyo para akin.

Nandito kami ngayon sa isang sementeryo sapagkat iyon ang hiniling ko kay Apollo na puntahan namin.

Di ko maiwasang hindi ngumiti ng mapait habang nakatitig sa kaawa-awang puntod.

"Maybe that's their fate."

Napailing ako sa sinabi ni Apollo at pumakawala ng buntong hininga, "Kung hindi dahil sa akin, sana ay nabuhay pa sila ng masmatagal."

"Sinisisi mo ba ang sarili mo sa pagkawala nila?"

"Noong sanggol pa lamang ako, nagkaroon ako ng mataas na lagnat na kamuntik ko nang ikamatay. Hindi alam ni Ama ang kan'yang gagawin kaya naman nagpunta siya sa bayan bitbit ako upang ipatingin sa isang manggagamot."

Hindi sumagot si Apollo at hinayaan lamang ako magsalita. Hinawi ko ang aking buhok na tumatabon sa aking mukha dahil sa malakas na hangin bago nagpatuloy, "Ang gabing iyon ang unang kaarawan ko at ang paglabas ng sumpa ng pulang buwan. Ang unang sakripisyo ay ang manggagamot na iyon. Siya ang una kong biktima. Pagkatapos n'on ay napagtanto ni Ama ang sumpa ng pulang buwan, kada kaarawan ko ay nagkakasakit ako sa tuwing hindi ako nakasipsip ng dugo ng tao at nakakain ng lamang loob..."

"...naging isang malaking mesteryo sa kanilang bayan ang ganoong trahedyang nangyayari kada taon, isang tao na sisipsipin ang dugo at kakainin ang lamang loob kada taon. Hindi lamang isang tao ang pinapatay ko kada taon ngunit marami sapagkat ang dalamhating dala ng pagkawala ng kanilang mahal sa buhay ay higit pa sa pagkuha ko ng isang enosenteng buhay. A lot of people suffered because of me."

Tinignan ko sa mata si Apollo at ngumiti ng mapait. "Look at the graves here, under those graves were people I killed and has grudges on me. Apollo, you are an Olympian, would you still accept me even if I'm---"

"Hindi ka palang ipinapanganak ay tinanggap na kita."

"How could you say that in a sudden? You're an Olympian and it is your duty to protect the mankind."

Napangiti na lamang si Apollo at tinignan ako. He cupped my face with both of his hands and looked at me in straight, "If loving you is a curse I would like to prolong it and ask to keep this curse forever."

"I'm a killer."

"You're not. You're not a killer, it is the red moon."

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagbagsak ng malakas na ulan. Ngayon ay basangbasa na kaming pareho ni Apollo.

Hinawakan n'ya ang aking kamay at tumakbo habang hila ako. Tumakbo kami papasok sa isang gubat katabi ng sementeryong ito.

Isang maliit na bahay kubo ang nasa gitna ng gubat ang natagpuan namin ni Apollo. Agad kaming pumasok dito para magpasilong.

"Oh, look who's here. My very beautiful girl," napalingon ako sa boses ng isang babae na nasa loob ngayon ng kubo.

Napalunok ako nang makita ko s'yang nakaupo habang tinitignan ang kumpol ng mga bulaklak at halamang gamot na nasa mesa.

"Nyx, give her a cup of tea," utos sa kan'ya ni Apollo dahilan upang ngitian ako ng magandang babaeng ito na hindi maalis ang tingin sa akin.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Nyx. Ang napakagandang diyosa ng gabi.

"Anong ginagawa ninyo sa gubat sa mga oras na ito, Apollo? Bakit mo kasama ang bunsong bampira ni Selene?"

"M-may pinuntahan lang kami."

"I heard that there's a wrath sent by the universe. It's a long lost spirit from Pandora's box," sambit nito habang naghahanda ng kape.

"We're trying to figure it out and perform the oracle to stop it create chaos," sagot sa kan'ya ni Apollo na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana.

"Come here, my beautiful girl..." nakangiting tawag sa akin ni Nyx dahilan upang lumapit ako sa kan'ya.

"Come on, drink this tea. It'll heal what's bothering you inside."

Ngumiti ako at umupo upang tumikhim sa t'yaang gawa n'ya.

"Are you going to perform the ritual with Proserpina?"

Ngumiti ako at tumango sa kan'yang tanong. "Oh, send her my regards and tell her I missed her so much."

Nyx must be a close friend of Proserpine. Bahagya akong nailang nang mapansin ang panay niyang pagtitig sa akin.

Well, Nyx is really beautiful and has fair skin.

"Are you getting married?"

Agad akong nabilaukan sa tanong niya at napatingin sa kan'ya ng nakakunot ang noo.

"H-ha? S-sino?"

"Ikaw. Selene is sending a sign to your father that you should get married as soon as possible."

Napatigil ako sa balitang sinabi n'ya. What?! Agad agad ay nagawa iyon ni Ina?!

Umiling si Nyx at hinawakan ang aking kamay. "You must be so bothered. You are destined to marry a demon but your heart aches for someone else," malungkot na wika nito habang nakatingin ngayon kay Apollo na seryosong nakadungaw sa bintana.

Ano kayang iniisip n'ya ngayon? Alam kaya ni Apollo na nagpapadala na ang aking ina ng mga babalang kailangan na akong ikasal kay Philip sa lalong madaling panahon? O di kaya ay iniisip niya ang sumpa ng mga alaala.

Maaari ring iniisip n'ya ang mga alaalang nakabaon na sa limot at pilit na ibinabalik sa kan'ya ng sumpa ng Anamníseis.

Isang maliit na gunting na gawa sa ginto ang kinuha ni Nyx at pinakita sa akin. "Here, look at this. This will help you to cut the curse of the knot between you and the half blood demon."

Kinuha ko iyon mula sa kamay n'ya at nagtatakang tinignan.

"Listen to me my girl," seryosong napatingin ako kay Nyx nang pareho niyang hawakan ang aking mga kamay.

"Look, there's an invisible string that connects you to the moon and to the half blood demon and that's the reason why you need to get married."

"How'd you---"

"Sssh!" pigil niya sa akin at tinakpan ang aking bibig. "I want you to listen to your heart, it is the most powerful weapon you have. Cut the invisible string that connects you to the demon."

"Why are you doing this?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti lamang siya ng pagkatamistamis at sinabing, "Your mother is a friend of mine. I've been watching you every night to make sure that you're fine."

Wala akong nagawa kundi ang ngumiti at magpasalamat kay Nyx. Ito ang una naming pagkikita ngunit sobrang bait na niya sa akin.

"Apollo, take her back to the Citadel."

Seryosong lumapit sa amin si Apollo na may pag-aalala sa kan'yang mukha. Anong problema?

"No, not now. I can't."

"But you should!" pilit sa kan'ya ni Nyx.

I looked at him. He's not fine, I can see it in his eyes. Everything's not fine.

"Apollo, why?" tanong ko.

"Let's go to the Underworld."

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Where stories live. Discover now