35: Inure

806 45 2
                                    

"Maria Clara, hindi namin nais na gawin sa iyo ang bagay na ito ngunit--"

Nag-iwas ako ng tingin sa aking Ama. Alam nilang hindi ako papayag na ikasal sa demonyong si Philip kaya napilitan silang gapusin ang aking mga kamay at paa upang hindi ako makawala at makatakas.

"Hindi makakapayag ang iyong ina na malapit ka Olympian na iyon." Paliwanag n'ya pa.

Hindi ako sumagot at napapikit na lamang at napasandal sa pader. Bakit ba kasi umalis si Apollo sa Citadel at iniwan ako?

Kay higpit ng pagkakagapos sa akin ngayon.

"Noong araw na isinumpa ako ni Apollo sa ilalim ng sikat ng kan'yang araw ay inalay ko ang aking kaluluwa kay Hades."

At nagsimula na naman ang aking ama sa kwento kung bakit sila isinumpa ng aming Ina ni Apollo.

"Nakilala ko ang iyong Ina noon na tagasunod ni Apollo sa kan'yang templo. Umibig kami sa isa't-isa, alam mo bang---"

"Apollo was interested with Selene that time." Putol ko sa aking Ama.

I memorized the whole detail of their story.

"Nagalit siya nang mapagpasyahan namin ni Selene na magsama at magpakasal kaya noong araw na aalis na kami ay isinumpa niya ako sa ilalim ng sikat ng araw. Dahil sa kan'ya ay nasusunog ang aking balat sa sikat ng araw."

"And that time you offer your soul to the King of The Dead. Because you are madly in love with Selene--" pagpapatuloy ko sa kwento ng aking Ama dahilan upang gumuhit ang ngiti sa kan'yang labi.

"Yes." Sang-ayon niya.

"So you should understand me then!" Dahil hindi ko mapigil ang aking emosyon ay napagtaasan ko ng boses ang aking Ama.

"No! We know what's better for you!"

Umiling ako at hindi na sumagot. Alam kong wala akong laban sa aking ama.

"I was so desperate that time, making me offer my soul to the dreaded kingdom of Hades. Kapalit n'on ay ang pagnakaw ko ng Palaso ni Artemis, sa loob ng apatnapung gabi ay pumatay ako ng mga gansa upang mag-iwan ng sulat sa iyong ina gamit ang balahibo at ang dugo nito bilang alay. Sa huling gabi ay hindi ko natamaan ang iaalay ko sanang gansa kaya nanghiram ako ng pana kay Artemis, napasakamay ko na ang pana ni Artemis kaya agad ko itong dinala kay Hades."

"Ama."

Napatigil ang aking Ama sa pagkukwento nang tawagin ko siya.

"Bakit?"

"You've been a loyal follower of Artemis, she's the twin sister of Apollo."

"Because she gave me and your mother a sympathy and number of chances. She pitied me when I stole her arrow and let me live with your mother for a long time while worshipping her."

My mother and father's love story is full of sacrifices. Artemis is a virgin goddess so she forbid my parents to touch kiss and have children. There will be no physical contact while they live together, they just have to see each other.

"While worshipping Artemis in our lifetime. She didn't allow us to touch each other, we lived together without touching, kissing and no children. Sapat na sa amin ang makita ang isa't-isa araw-araw. Habang nasisilayan ko araw-araw ang iyong ina ay nais ko siyang hagkan at halikan ngunit nagtiis ako upang makita pa siya ng masmatagal."

Hindi na ako sumingit pa sa kan'yang kwento at nakinig na la'ang.

"Nakita ko ang pagtanda ng iyong Ina, ang pagkawala ng kan'yang kagandahan dahil sa pagkulubot ng kan'yang balat at pagputi ng kan'yang buhok samantalang nanatili ako sa aking kabataan dahil hindi ako tatanda sapagkat binigay ko na ang aking kaluluwa kay Hades. Nakita ko ang panghihina ng iyong ina dahil sa katandaan, hindi ko siya mayakap sapagkat ipinagbabawal iyon ni Artemis."

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon