25: Memory Storage

973 68 16
                                    

The story of Pandora's box has been told ever since the beginning of the mankind.

Pandora is the first woman who walked on Earth. She was given by the gods and goddesses different gifts; gift of talents, beauty, intelligence, persuasion and curiosity.

As a part of the gift, she was given a container [a box or a jar, perhaps] which she was told not to open because it may give bad lucks.

Out of her curiosity and disobedience, Pandora opened the container. Because of her disobedience the spirits from the container comes out and wander around the Earth and the universe and brings wrath.

It gives chaos, illness, curses and any other forms of bad luck. One of the bad spirits from the container she opened is Anamníseis, the curse of the memories of the past.

"Ang tagal naman babaeng 'yon."

Panay ang reklamo ni Hermes habang hinihintay namin si Angelica ngayon sa dulo ng ilog ng Styx, ang ilog na nag-uunay sa kaharian ni Hades sa empyerno.

Kasama ko ngayon si Felicity, asawa ni Poseidon at si Hermes na mahangin na mensahero. Papunta kami ngayon sa kahaharian ni Hades at hinihintay na lamang si Angelica.

"Maria Clara," napatingin ako ng masama kay Hermes nang tawagin n'ya ang pangalan ko.

"Aba! Tingin mo palang nakakamatay na, may galit ka ba sa mga gwapong nilalang na kagaya ko?"

"Psh!" irap ko nalang sa kan'ya.

Bakit pa kasi siya ang pinasama sa amin ni Apollo? Ang tabil n'ya sarap tahiin ng bibig.

"Oh, ba't ang tagal mo?" tanong nito sa kararating lang na si Angelica.

"Umiiyak kasi ang kambal," sagot naman ni Angelica.

"Aba! Siguro nahihirapan silang alagaan ang Tatay nilang si Ares. Tsk! Tsk! Kung ako nga naman ang magiging anak ni Ares," iling nito.

"Sana ma-utot mo na iyang hangin mo sa katawan!" sagot sa kan'ya ni Angelica dahilan upang pareho kaming matawa ni Felicity.

"Ayan na si Pareng Charon!" napatingin kaming lahat sa isang bangka na papalapit sa gilid nitong ilog sakay ang isang lalaking bangkero.

Ang bangkero ni Hades at tagahatid ng mga kaluluwa sa empyerno, si Charon.

Si Felicity, Angelica at ako ay may bitbit ngayong mga kahon na laman ay mga bagay na may mahahalagang alaala sa amin. Gaya ng utos sa amin ni Apollo na nasa propesiya ay kailangan naming dalhin ang mga bahay na ito upang sabay na sunugin para mawala ang sumpa ng alaala.

Isa-isa naming nilagay sa bangka ang mga kahon at akmang sasakay na nang bigla akong pigilan ni Charon.

"Hindi maaaring pumunta sa empyerno ang babaeng iyan," pigil nito.

Napatigil ako at nagtatakang napatingin sa kan'ya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Felicity.

"Sapagkat hindi pa siya namamatay," sagot nito.

"Buhay naman kami ni Felicity ah," katwiran naman ni Angelica.

"Minsan na kayong namatay at humiwalay ang inyong kaluluwa sa inyong katawan ngunit ang babaeng ito ay kailanma'y hindi pa namamatay kaya wala siyang karapatang pumasok sa empyerno."

"Pareng Charon! Baka pwede nating pag-usapan ito, kailangan namin si Maria Clara."

"Kailangang iwan ang kan'yang katawan sa dulo ng ilog na ito at isasama natin ang kan'yang kaluluwa sa empyerno."

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz