31: Suspended

829 49 3
                                    

He'll kill me.

He will kill me.

Philip will kill me.

"M-Maria C-Clara?" nauutal nitong sambit sa aking pangalan.

Agad akong tumayo ng maayos at binawi ang kamay ko sa kan'ya.

"Phil--"

"A-Anong? B-Bakit tumunog ang--- sira ba ang bagay na---"

"Hindi Philip," putol ko sa kan'ya. Bakas sa kan'yang mukha ngayon ang labis na pagkagulat.

Halatang hindi siya makapaniwalang tumunog ang mga kampanilya nang hawakan n'ya ako.

"A-anong ibig sabihin?" nakita ko ang panggigilid ng mga luha sa kan'yang mga mata.

"A-ako. Ako ang bampirang matagal mo nang---"

"I-Ikaw?!"

Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang dala niyang kutsilyong gawa sa pilak at itinutok ito sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang tignan siya habang umiiyak.

Tama nga ang sabi nila. Ang lalaking itinakda para sa akin ay siya mismong papaslang sa akin.

Galit. Nakikita ko ang galit sa mga mata ni Philip habang hawak ngayon ang kutsilyong nakatutok sa akin.

Now, he's going to take his revenge.

Napakagat na lamang ako sa aking labi at pinikit ang aking mata. Nararamdaman ko ang mga luhang pumapatak sa aking pisngi.

Natatakot ako.

"M-Maria Clara? B-Bakit?"

Narinig ko ang tunog ng pagbaksak ng kutsilyo sa lupa. Binitawan ni Philip ang hawak niyang kutsilyo at niyakap ako ng mahigpit.

Napamulat ako habang umiiyak.

He's crying, he's shaking and his heart is beating erratically.

"I'm s-sorry..." iyak ko habang hinahayaan siyang yakapin ako.

Hindi siya nagsalita at patuloy lamang sa paghikbi habang yakap ako.

"I'm s-so sorry, Phil---"

"B-Bakit? Natatakot ka ba sa akin? Natatakot ka ba kaya hindi mo kaagad inamin sa akin?" sunod sunod niyang tanong habang mahigpit akong niyayakap.

Patuloy lamang siya sa kan'yang paghikbi.

Hindi ako sumagot at umiyak na lamang.

"M-Maria, para mo na'rin akong pinatay n-ngayon."

Humikbi lamang ako. I can hear pain in his voice, I can sense anger but pain is more vivid.

"I'm so cruel, Philip."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at tinignan ako.

"I thought..." pasimula nito, "I can do my revenge but... hindi kita kayang patayin Maria," iyak nito.

"W-why? I killed all your friends, the people close to you, I'm---"

"Ssh. Stop it. It's fine, I can't kill you."

Napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. He just can't kill me.

Pareho kaming umiiyak ngayon. I can no longer say a word.

"Are you fine?" nagulat ako nang may isang boses ng lalaki ang bigla nalang humila sa akin palayo kay Philip.

Hinarap n'ya ako at tinignan.

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Where stories live. Discover now