26: Burning Hope

932 53 16
                                    

"Are you sure about sending Maria Clara to the Kingdom of Hades?" tanong ni Rhea ngayon kay Apollo na abalang pinagmamasdan ang mga larawang nakasabit sa loob ng kan'yang kastilyo.

"Why? What's wrong with sending her to hell?"

"The wandering spirit of Anamníseis is a normal thing. People have been fighting with their own curses from the past. You don't need to send them to burn their things!" giit naman ni Rhea.

"My woman is also dauntless, Rhea. The same as the woman of Hades, Ares and Poseidon."

"Don't listen to the oracle this time! The wife of Poseidon is pregnant! She can't do a ritual! Nahihibang ka naba Apollo?!" galit na tanong ni Rhea.

"We need to follow the oracle this time, a big chaos might happen because of the wandering of Anamníseis."

"What do you mean?"

"Sabihin na nating normal na bagay lamang ang masasamang alaala ngunit maaari itong maging isang bunga ng malaking gulo. Ang malakas na ulan kahapon sa Olympus, hindi iyon pangkaraniwan. Kailangan nating pahinain ang sumpa hangga't may panahon pa."

"And do you think they can do it?"

"I'm certain that they can," tanging sagot ni Apollo bago lumabas ng kastilyo ni Rhea.

Alam niyang hindi magiging madali ang lahat ngunit ito lamang ang natatanging paraan upang pigilan ang nagbabantang gulo na dulot ng kaluluwa ng alaala.

Bad memories can cause big chaos.

"Hindi ka ba naniniwala sa kapangyarihan ni Elpis?" bahagyang napatigil si Apollo sa sinabi ni Rhea.

"Why? What's with the spirit of hope?"

"There's no need to do the ritual from the oracle, the best thing to do is to summon Elpis."

Hindi nakasagot si Apollo sa ideyang binanggit ni Rhea.

"You personally doesn't want them to do the ritual in oracle. You just sent them to Underworld because you're scared you might lose her in your hands."

---

"Poseidon and I were talking about opening that bottle together to read the message, we thought it's a romantic one."

Natawa na lamang kaming lahat nang sabihin iyon ni Felicity. Paano ba naman kasi ay pinagmumura ni Angelica si Ares sa liham na iyon. That was hella insane.

Nakarating na kami ngayon sa kaharian ni Hades sa empyerno. Pagkatapos kaming ihatid ni Hermes sa empyerno ay agad naman siyang bumalik sa Olympus.

Nakakatakot pala talaga ang lugar na ito. Mga patay na kaluluwang nagmamakaawa at humihingi ng tulong, walang araw sa lugar na ito at tanging ang nagdadagat-dagatang apoy ng empyerno lamang ang nagsisilbing liwanag. Hindi ko lubos na akalaing nagawa ni Proserpina na manirahan dito kasama ang demonyong si Hades.

Totoo nga sigurong tunay ang kanilang pag-ibig.

Napatingin ako sa librong hawak ko ngayon. Nilagay din pala ni Apollo sa loob ng kahon ang librong bigay n'ya, ang librong nais n'yang punuin ko ng magagandang salita.

Napangiti nalang ako ng mapait nang tignan ang aking palad na may markang araw. Ang simbolo ng kontrata namin ni Apollo sa isa't-isa na saksi ang kalawakan.

Niyakap ko ang libro at naalalang matagal ko na pala itong hindi nasusulatan. Habang nakaupo ngayon sa kastilyo ni Hades ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Where stories live. Discover now