50: The Vedict

1.2K 55 32
                                    

Chapter 50: The Vedict



"Ano kaya sa tingin ninyo ang magiging pasya ni Artemis?" Tanong ni Hermes sa mag-asawang sina Angelica at Ares.

"Masyadong maawain si Artemis kaya alam kong pagbibigyan n'ya ang hiling ng kapatid." Sagot naman ni Ares habang inaasinta ang pana.

The three of them were playing archery inside the castle of the battle god, Ares.

Napabuntong hininga na lamang si Angelica habang inaabutan ng palaso ang kan'yang asawa.

"Siguro ay panahon na upang magkasama sina Selene at Ambrogio, kailanman ay hindi nila nahawakan ang isa't-isa nang magsama sila noong mortal pa si Selene." Bulalas pa ni Angelica na naaawa sa sitwasyon ng mag-asawa.

"Ill fated love, indeed." Walang ganang wika pa ni Hermes habang iniinom ng alak at pinapanood ang mag-asawa na naglalaro ng archery.

"Woah! Mukhang masmagaling pa ata sa iyo ngayon ang asawa mo Ares!" Tawa ni Hermes.

"She got her parts during the Trojan War." Sagot naman ni Ares.

Natawa na lamang si Angelica. Nahasa nga ang kakayahan niyang gamitin ang pana lalo pa noong sumasama siya sa iba't-ibang gulo kay Ares.

Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang malaking pinto ng palasyo at pumasok ang hindi nila inaasahang panauhin.

Napalunok si Hermes nang makilala kung sino iyon.

"Woah, Hecate? So unusual." Tawa pa ni Ares nang tignan ang dyosang mangkukulam.

"Tama nga ako at dito lang kita makikita." Sambit ni Hecate at agad na humalukipkip nang makita si Hermes.

"Ganyan ka naba kabaliw sa akin at hanggang dito ay sinusundan mo ako?" Kunot noong tanong ni Hermes sa mangkukulam.

Hecate roll her eyes.

"Kailangan ko nabang kumapit para hindi matangay ng malakas mong hangin?" Iwing pa nito.

"Woah! Anong meron sa inyong dalawa?!" Tawa naman ni Ares habang palipatlipat ang tingin sa dalawa.

"Nothing. I just want to tell Hermes that I am sorry."

"Para saan?"

"I kissed him last time."

Agad na nabilaukan sa iniinom na alak si Hermes nang walang pagdadalawang isip na inamin ng dyosa ang nangyari sa kanilang dalawa.

Napasinghap si Angelica at napangisi naman si Ares.

"Kaya pala tulala si Hermes simula kahapon." Bulalas ni Angelica.

"That's the reason why I'm here! Baka masyado niyang isipin ang tungkol doon. I just want to clear everything." Hecate smiled.

"Hermes, I loved nothing but the Elysian Field and the way towards the Underworld. Hermes, I just want to tell you I don't have any inch of feelings towards you."

Namilog ang mga mata ni Angelica dahil sa narinig. Binabasted ba ni Hecate si Hermes sa kanilang harapan?

"Are you dumping me for no reason?" Kunot noong tanong ng mensahero.

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Kde žijí příběhy. Začni objevovat