12: Red Moon

1.2K 64 8
                                    

"So how are you related to Apollo?" napatingin ako sa kaklase kong si Philip nang tanungin niya iyon ng diretsa sa akin.

I shrugged, "We're uhm-- we're..." teka--- nag-iisip ako kung ano nga ba ang tamang sagot sa tanong niya. "We have a contract with the universe."

"Oh," tumango ito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Artemis divided our class into two. Yung tatlo naming mga kaklase ang magkakasama sa iisang grupo samantalang kaming dalawa naman ni Philip ang magkasama.

She instructed us to draw the things that we like in similar.

"Why do you like this thing?" tanong ko sa kanya.

"It's beautiful and eye pleasing."

Tama nga naman. Sobrang ganda nito at sa tuwing tinitignan ko ito ay hindi ko maiwasan ang mapangiti.

"Ikaw, bakit gusto mo ang buwan?" tanong nya pabalik sa akin.

"Moonlight is my mother, Selene."

"She's a goddess?" he asked with amusement.

I shrugged, "I guess? A cursed goddess?"

"Everyone is cursed," he chuckled and continue drawing.

Habang tinitignan ang guhit niya sa iba't-ibang anyo ng buwan ay hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. He's good at it.

"I like it!" komento ko pagkatapos nya.

"Thanks!" he smiled.

I think of Philip now as a friend. Sa aming lima ay siya lang ang nakakasalamuha ko masyado sa klaseng ito.

Pagkatapos naming ipasa kay Artemis ang gawa namin ay pinaalis na niya kami dahil may importante pa siyang lalakarin.

At dahil malapit lang ang lugar ko at ng lugar nina Philip ay naglakad nalang kami ng sabay pabalik.

We've been talking and I can say he's literally a good guy. Good thing he's taller and older than me.

"Yun ba talaga ang pinakadahilan kung bakit ka nandito?" di makapaniwala niyang tanong.

"Yes! Because of that Apollo!" ngiwing sagot ko.

"You're his follower?"

"Hell no!"

Natawa nalang siya sa sagot ko. Totoo naman, hindi ko naman sinasamba si Apollo at hindi ko rin naman inalay ang buong pagkatao ko sa kanya.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing tumatawa si Philip. He's a fine man, I mean... demon.

"May mga kaibigan ka ba rito sa citadel?"

"Yep!"

"Wow! Who are they?"

"They are humans. They are servants of Olympians."

"Wow! Nakakainggit naman."

"Wag kang mag-alala, ipapakilala kita sa kanila. They are really cool!"

Habang masaya kaming nagku-kwentuhan ni Philip ay may isang boses nalang ang biglang tumawag sa pangalan ko.

"Maria Clara!" napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin mula sa likod.

Pareho kaming napatigil ni Philip nang maglakad si ito palapit sa amin.

"Apollo?" kunot noong napatingin ako rito. Anong kailangan ng lalaking ito?

"He's here. I'll get going," paalam sa akin ni Philip at nauna nang maglakad.

Irap akong napatingin kay Apollo. Lakas din makaepal ng lalaking ito, "Bakit?"

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Where stories live. Discover now