2: The Sun

2.3K 103 7
                                    

Bago pa man nagkasama ng tuluyan ang aking mga magulang ay isinumpa ni Artemis ang aking ama. Isinumpa nitong hindi siya maaaring humawak ng pilak dahil sa oras na malapatan ang kaniyang balat ng pilak ay masusunog ito gaya ng pagkasunog nito kapag natamaan ng sikat ng araw.

Sumpa ito ni Artemis sa aking ama nang pagtangkaan nitong nakawin ang pilak na palaso ni Artemis dahil sa utos ni Hades, diyos ng mga patay.

At ngayon dahil sa katigasan ng ulo ko ay natamaan ako ng isang panang pilak at suguradong sigurado ako na pana ito ni Artemis.

"Is she fine?"

"She will be."

Nakapikit parin ang mga mata ko hanggang ngayon. May naririnig akong boses ng nag-uusap na lalaki at babae at sigurado akong hindi iyon pag-aari ng sinuman sa mga kapatid ko. Nasan ako?

Unti-unti kong binuka ang aking mga mata at napahawak sa sentido ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. "W-where am I?" bulong ko habang nililibot ang paningin ko sa kabuoan ng silid kung nasaan ako ngayon.

Sigurado akong wala ako sa bahay namin. Nasa madilim na lugar ako ngayon at sobrang laki nito, pakiramdam ko ay sampung beses na masmalaki itong silid na ito sa kwarto ko.

Napalinga ako, wala si Sun. Saan ba nagpunta ang pusang yun? Bumangon ako kahit masakit parin ang ulo ko at patuloy ko parin nililibot ang paningin ko sa buong lugar.

"You're awake." boses ng isang babae at agad naman itong umupo sa gilid ng kama. Woah! Ngayon ko lang din napansin ang laki ng kamang hinihigaan ko kanina. Ito kaya ang tinatawag nilang king bed?

"So you're Maria Clara, the youngest child of Selene and Ambrogio." kunot noo naman akong napalingon sa napakagandang babaeng nakangiti habang nakatingin sa akin.

I know the faces of the Olympians. I know them because I'm such a reader of myths.

"Is that r-really you A-Artemis?" nagdadalawang isip na tanong ko naman na ikinatawa niya ng bahagya.

"Yes it's me."

"Woah!" di ko mapigilang hindi mamangha at mapasinghap. She is seriously drop dead gorgeous, gaya ng mga nababasa kong description sa kanila.

"Alam ba ng ama mo ang mga ginagawa mo?" agad akong napatungo sa tanong niya.

Tsk! Pano na ngayon ito?! Sigurado akong patay ako kay ama pag nalaman niya ang nagyari. Gosh!

Agad naman akong napatingin sa tiyan ko kung saan ako natamaan ng palaso kanina. Oh! What happened?!

"It's fine. Ginamot ka na ng kapatid ko," Artemis smiled.

Kapatid? Alin sa mga kapatid niya? Kunot noo akong napatingin kay Artemis hanggang sa natawa siya at sinabing, "My twin."

"Apollo?"

"Yes. We're here in his territory."

Gosh! Talagang patay ako kay ama nito! Hindi lang ako natamaan ng pilak na palaso ni Artemis kundi napunta pa ako sa teritoryo ni Apollo. Ugh! Anong gagawin ko ngayon?!

"Maiwan ko muna kayo," ngiti ni Artemis bago lumabas ng silid at sinarang muli.

Wait?! Maiwan?! Kayo?! Nino?!

Siya lang naman ang nakita kong kasama ko rito pagkagising ko. Wtf?!

Don't tell me...

"Maria Clara."

Agad akong napahawak ng mahigpit sa laylayan ng kumot na nakatabon sa kalahati ng katawan ko nang masilayan ko ang lalaking kasama ko ngayon sa malaking silid na ito.

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora