20: Dauntless

1K 53 10
                                    

A very festive paradise that's how I see Mt. Olympus.

A very perfect place. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa napakagandang lugar na ito lalo na ngayon na nagkakaroon siya ng isang malaking kasiyahan.

Nagpaalam sa akin si Apollo dahil aalis siya saglit para i-check ang mga tumutugtog ng musika sa kasiyahan.

This is so cool! They also do live band here. I didn't expect Olympus to do something like that.

They are modern Olympians, cool!

Nakatingin lamang ako sa mga mananayaw sa gitna ng malaking bulwagan na ito. Isa-isa ring nagsisidatingan ang napakagaganda at makakapangyarihang Olympian.

I really love what they are wearing!

Lumabas ako sa mismong bulwagan para magpahangin. Gabi dito sa Olympus pero kitang kita parin ang kagandahan ng lugar at kagandahan ng mga Olympian na nandito suot ang magagarang damit.

Pumunta ako sa isang hardin upang mapag-isa nang mayamaya ay may isang lalaki ang lumapit sa akin.

"Hey miss!" napatingin ako sa isang lalaki ang bigla nalang tumabi sa akin at binigyan ako ng isang wine glass.

I know this Olympian guy.

He smiled and raise the wine glass he's holding, "Take a sip. I'm also waiting for Boss Hades."

"Ikaw ba si Hermes?" nag-aalinlangan kong tanong.

Bahagya siyang tumawa at tumango, "Yes! The most handsome messenger of all time, Hermes."

"..." hindi pa ako nakakapagsalita dahil sa reaksyon n'ya.

"Hindi ko inaasahan na gan'to na pala ako kasikat sa mga kababaihan. Pasensya kana Binibini ngunit wala akong panahon para sa mga gan'yang bagay, alam mo naman na ang perpektong si Hermes---"

"Hoy gago! Tumahimik ka!" napatulala lang ako sa kahibangang sinasabi ni Hermes nang may isang lalaking bigla nalang dumating at binatukan ito ng pagkalakas-lakas.

I looked at the new guy. Base on his looks and aura, I know who this guy is.

"Tangna, Ares! Kung naiinggit ka sa buhay ko bilang binata, tumahimik ka nalang at mag-alaga ng anak!" pang-aasar na wika ni Hermes at tinignan ang batang lalaki na kasama ngayon ni Ares.

"Yo! Pareng Deimos, kamusta ang pag-aalaga sa Tatay mong si Ares?"

The kid looks like a seven year old boy. Nagulat ako nang biglang kinuha ng bata ang dagger na nasa kan'yang bulsa at tinutok iyon sa gilid ni Hermes na kaya n'ya lang abutin.

"Ang ingay mo, Hermes. Tumahimik ka kung ayaw mong ako ang magpatahimik sayo," maangas na sabi ng bata.

Agad na naiangat ni Hermes ang dalawa n'yang kamay at napatingin dito. "Woah! Calm down little Satan!" pagsuko nito.

"Sino s'ya?" tanong ni Ares at tinignan ako.

"Kanina pa s'ya nag-iisa rito kaya nilapitan ko, hindi ko alam na may gusto pala s'ya sa akin."

"What the heck?!" hindi ko mapigil na mura dahil sa sinabi ni Hermes.

Natawa nalang si Ares at napailing, "Gago! Miss, mag-iingat ka sa lalaking ito. Wala pa kasi siyang masyadong karanasan sa babae kaya gan'yan," babala naman ni Ares.

I didn't expect the Olympians to act like this. Parang mga gangster lang na nakikita ko noon sa skwelahan ng mga mortal. Mga basagulerong nilalang.

"DEIMOOOS!" napalingon kaming lahat sa boses ng isang batang babae nang tawagin nito ang anak ni Ares.

"Angel!" tawag nito pabalik at agad na tumakbo sa napakagandang batang babae.

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon