11: The White Drink

1.2K 67 22
                                    

I was trying to run away from the curse of the universe until I found myself lost into you.

I was afraid of the unfamiliar things but you show me how magnificent it is to live with it.

"Where'd you get your first entry for the book?" tanong ni Apollo habang nakatingin sa libro.

Nakaupo kami ngayon sa gilid ng sapa kung saan kitang-kita sa repleksyon ng tubig ang napakagandang mga bituin.

"Pasensya na at sabaw ako. Kung hindi mo gusto edi akin na---" akmang aagawin ko na sa kanya ang libro nang bigla n'ya itong inilayo gamit ang isa n'yang kamay.

"No, this is mine," agad niyang inilahad sa harap ko ang kan'yang palad at pinakita sa akin ang buwan na nakaguhit dito.

"We made a contract for each other and the universe witnessed that."

Napasimangot nalang ako at napasinghay, "Kung hindi lang para sa angkan ko."

"Para sa akin ba ang una mong sulat?" tanong niya pa.

"Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang 'yan."

Tinignan niya ako ng nakangiti.

"Bakit?" kunot noong tanong ko.

"Can I pinch your cheeks?"

Ngiwing pinakita ko sa kanya ang nakakuyom kong kamao. "Ano?"

"Chubby cheeks," tawa pa nito.

"Nye! Nye!" irap ko.

Nang-aasar pa siyang tumawa habang tinitignan ako. Nakakaasar tong lalaking ito.

"Do you want to receive your present now?"

"Present what?"

"Diba sabi ko sayong bibigyan kita ng regalo ngayon?" paliwanag niya pa.

"Ano naman itong suot ko? Hindi paba ito ang regalo mo?"

Umiling si Apollo, "Nah. Binigay ko lang yan dahil gusto kong makita kang nakasuot ng ganyan. Ang ganda mo."

Hindi ko alam pero agad akong umiwas ng tingin nang sabihin niyang maganda ako. I'm not into compliments. Nahihiya ako.

"This," napatingin ako sa bagay na bigla niyang inabot sa akin.

"Hala! Para saan to?"

"I want you to learn music and I guess that's the safest musical instrument for you."

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang tinitignan ang hawak kong plauta ngayon. A very beautiful bamboo flute.

"A thank you will do," tikhim nito.

"S-salamat."

"Try it."

Inilabas niya rin ang plauta niya at nagsimulang magpatugtog. I can't help myself but to smile. I really love his music, a very pleasing music that can caress your heart.

Myth 4- Apollo: The Sun (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon