Chapter 33: [Meeting the past]

767 12 3
                                    

-BRYAN-

Kasalukuyan na akong nakahiga sa kama ko,medyo nakakapagod na rin ang ilang araw na pagpupuyat para sa aming feasibility. Ilang araw na din ang lumipas simula ng makadaupang palad ko ang babaeng kamukhang kamukha ni Marjorie. Hindi ko pa rin makalimutan ang tagpong iyon...

Flashback

“M-marjorie?!?! Ikaw ba yan?!”

“E-excuse me? Sino ka? At anong ginagawa mo kay Mama Laila?”

“Ha? Ako?!” nagulat na lang ako ng hindi niya ako makilala,dahil kung si Marie ang babaeng ‘to dapat ay niyakap na niya ako pagkakita pa lang sa akin pero mukhang nagkamali ako.

“Mr? Ano ang ginagawa mo dito at sino ka?” medyo pataray na niyang sabi.

“Ano kasi...napadaan lang ako,napansin ko ‘tong mommy mo na sumusuka. Akala ko mag-isa kasi siya.” Sumesenyas ako na parang nagpapansin,sinusubukan ko kasi kung mapapansin ako ni Marjorie dahil nga baka madilim lang kaya hindi  niya ako makilala.

“Ngayon alam mo na na may kasama si  mommy,kung pwede umalis ka na lang?” Pero mukhang walang epekto sa kanya.

“Ah..e---sige.”

Agad akong bumalik ng sasakyan at pinaandar iyon palayo sa kanila pero habang palayo ako ay nakikita ko siya sa side mirror at sobrang hawig na hawig ni Marjorie ang babaeng iyon. Pero paano siyang magiging si Marjorie kung ako nga,boyfriend niya hindi niya kilala eh. Teka! Ako? Oo nga ano!!! Kung sakaling si Marjorie nga ang babaeng iyon,ano na lang ang gagawin ko kapag nalaman niya na ngayon ay nililigawan ko na ulit si Lianne. Ugh! Ano ba itong iniisip ko?! Malabong mangyari ang bagay na ‘yon.

Hinga ng malalim Bryan!

End of Flashback

“Good  morning!” nagulat ako ng bigla kong makita ang mukha ni Lianne na siyang gumising sa diwa ko. Bigla na lamang ako napatayo at napatakip ng mukha ko. Nakakahiya kasi,hindi pa ako nakapaghilamos at nakapagsipilyo!

“Lianne!!! Ginulat mo naman ako.  A-ano bang ginagawa mo dito? Ang aga pa ah!”

“Syempre,sinusundo ka! Bukas na kasi ang despedida ni Ate at nagplano siya na mag-out of town ngayon hanggang bukas sa Batangas,doon sa resort ng kaibigan ng boyfriend niya. Isama daw kita kaya nandito ako ngayon!” nakangiti pang balita nito sa akin.

“H-ha?! Eh diba may klase pa ---“

“Ano ka ba Bry, long weekend tayo ngayon diba? Saka dalawang araw at isang gabi lang naman tayo doon eh. Sige na sumama ka na!”

“O siya siya. Hintayin mo ako sa baba at mag-aayos lang ako.”

“Okay!” At agad siyang umalis sa kwarto ko at bumaba sa sala. Mabilis akong kumilos ng mga oras na ‘yon para hindi siya maghintay sa baba ng matagal.

---

“Ang tagal naman yata nila Lianne!” rinig kong reklamo ni Tita Andrea.

“Maghintay lang tayo Ma,darating na din ang dalawang ‘yon.”

“Ma! Nandito na po kami!” agad na bumaba ng sasakyan si Lianne para salubungin si Tita at buhatin ang mga bagahe niya.

“Good thing,Bryan has a car. Mas magiging magaan ang biyahe natin.” Rinig ko namang sabi ni Ate Stef.

Bumaba muna ako sandali ng sasakyan para tulungan si Lianne at Tita Andrea sa mga bagahe nila. Isinakay ko ang mga ito sa back part ng sasakyan ko,napansin ko sa kabila ang lalaking kinamumuhian ko,ang lalaking minsang nagnakaw ng halik mula kay Lianne. Hindi ko tuloy maiwasan na manggigil.

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon