Chapter 40: [Side story]

490 7 4
                                    

-PAUL-

“Anong ginagawa mo sa opisina ko,Mr. Reyes?” malamig na pagbati sa akin ni Mama Laila. Pinuntahan ko siya matapos na idischarge si Sophia sa ospital.

“Mama,anytime ay pwede ng makaalala si Sophia...anong gagawin niyo kapag nangyari ‘yon?”

“It’s none of your business iho. It’s mine. Kung makaalala siya,edi fine! Basta ang career niya,ipagpapatuloy niya. Malaki na rin ang nainvest ko sa kanya.”

“Mama Laila?!”

“Oh anong problema dun Mr. Reyes? Actually,thankful pa nga ako sayo at ngayon ay parang binabalikan mo siya eh. Nakatulong iyon ng malaki sa kanya lalo na ngayon na pinaguusapan na naman kayong dalawa ng buong bansa.”

“Mama,isipin niyo naman yung kalagayan niya at yung mga pamilya niyang naiwanan diba? Artista na siya,anytime ay pwedeng may makakita sa kanyang kamag-anak niya.”

“Iho...wala ka na ba talagang tiwala sa akin?” tumayo si Mama Laila mula sa kanyang kinauupuan at pumuwesto sa likuran ko.

“H-hindi naman po sa ganun.” Lumayo siya ng bahagya at naglakad patungo sa bintana ng opisina niya.

“Then why worry? I have my connections iho at kaya kong paikutin ang buhay ni Sophia. Napaimbestigahan ko na rin ang pamilya niya and I’ve got a positive result. Kilala ko na sila iho bago pa man malaman ni Sophia at saka ko lang sasabihin ang totoo sa kanya kapag magaling na talaga siya.”

Tumahimik na lang ako sa sinabing iyon ni Mama Laila,mukhang wala na talagang pag-asa na mapigilan ko pa ang paglabas ni Sophia sa telebisyon. Lalo na ngayon na nakita na siya nila Lianne at Bryan,ano na lang ang sasabihin ko kay Stef kapag nalaman niyang ganito na ang nangyari?

“You have any more questions iho?”

“W-wala na po Mama Laila,sige po mauna na ako. Salamat po.”

Nakatulala akong lumabas ng opisina ni Mama Laila,hindi ko alam kung anong gagawin ko o ano ang dapat kong gawin. Alam ko...hindi ko dapat pinoproblema ang bagay na ito dahil ano ba naman si Sophia sa buhay ko? Pero kung siya nga ang Marjorie na tinutukoy ni Stef,malaking problema ito. Hindi lang sa relasyon nila Lianne at Bryan kundi sa relasyon din naming dalawa ni Stef.

Minabuti ko na lang ang bumalik sa kotse ko at umuwi na sa bahay para makapagpahinga. Habang iniistart ko ang kotse,napansin kong may isang matandang babae ang pumasok sa building ng opisina ni Mama Laila. Ang matandang babaeng iyon...kamukha ni Mama!

Agad akong bumaba ng kotse at bumalik sa opisina ni Mama Laila,nakita kong doon din pumasok ang babae. Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa pinto at doon ay sinubukan kong making sa pag-uusapan ng dalawa. Hindi ko pa man din napapakinggan ang pag-uusap nila ay nasita na ako kaagad ng sekretarya ni Mama Laila.

“Sir Paul? May kailangan pa po kayo kay Ma’am Laila?”

“H-huh? Ah,w-wala naman. Ano lang kase,akala ko nakalimutan ko yung cellphone ko...nandun pala sa kotse ko naiwan kanina.”

“Ah ganun po ba? Sige po. Mauna na po ako sa inyo.”

“Ay teka lang!”

“Ano po yun?”

“S-sino yung babaeng kapapasok lang sa loob ng opisina ni Mama Laila?”

Nagtaka ang sekretarya sa akin ni Mama Laila,halata iyon dahil parang binitiwan niya ako ng tinging nagsasabing “Hindi niyo kilala?”

“Ang sabi po ni Ma’am,bibisita daw po ang Mama niyo kaya baka iyon po ang babaeng pumasok diyan sa loob.”

Si Mama? Pero paanong...

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon