Chapter 25: [Embarrassed]

857 18 2
                                    

-SOPHIA-

Humahagulgol ako ng iyak habang pauwi sa condo, ang sabi ni Mama Laila niyaya ako ni Paulo na mag-dinner date pero bakit hindi ko naman siya naabutan doon at bakit ang sabi ng babae doon ay walang Paulo Reyes na nagpareserve ng table sa restaurant na yon. Pinaglalaruan lang ba ako ni Mama Laila o sadyang pinapaasa lang ako ni Paulo?!  Alam ko namang kaibigan lang ang magiging tingin niya sa akin nung una pa lang pero masama bang umasa ako na kahit kaunti,magkaroon ng pagtingin sa akin si Paulo?!

“Ma’am,nandito na po tayo.” Tawag pansin sa akin ng driver ni Mama. Agad kong pinunasan ang mga luha ko na kanina pa tumutulo.

“Manong kapag nagtanong si Mama kung umiyak ako, sabihin niyo po hindi ah?”

“Wala pong problema ma’am.”

Agad na akong bumaba ng kotse at dumiretso ng pasok sa condo lobby. Naabutan ko doon si Mama Laila na nagbabasa ng newspaper at nagtsatsaa,hindi ko na sana siya kakausapin kaya lang naunahan na niya ako.

“Oh darling! Kamusta naman ang date niyo ni Paulo?” halos pasigaw pang pagbati ni Mama Laila sa akin.

“Sa taas na lang po tayo mag-usap,Mama.”

“Bakit? Hindi ba pwede dito iha? May naging problema ba?” pabulong na siya ngayon kung magsalita.

“Aakyat po muna ako Ma,sunod na lang po kayo.”

---

“ANO!!!!!!”

“Opo Mama. Ganun na nga po ang nangyari.”

Halos hindi maipinta ang mukha ni Mama Laila ng sabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin kanina sa magiging dinner date daw namin ni Paulo.

“He can’t do that to you! Wala siyang karapatan para hindi ka siputin sa date niyo! Kailangan ko siyang makausap as in right NOW!”

“Calm down,Mama Laila. Okay lang po sa akin ‘yon,baka naman po kasi may biglaang pinuntahan si Paulo kaya nawala po siya doon sa restaurant. Wag na po kayong magalit sa kanya, lalo lang po sasama loob nun sa inyo.”

“I know iha pero it’s not right toconsent him on what he’s doing. It’s not right! Hayaan mo iha at aayusin ko ito agad-agad.  Dito ka na muna sa condo mo at wag ka munang umuwi sa bahay ni Paulo total,okay na naman ang furnitures dito konting ayos na lang at ready na ito for you. Sa ngayon,magpahinga ka na muna,may meeting pa tayong pupuntahan bukas. Be ready iha.”

“Opo Mama.”

-LIANNE-

“Hoy Ate!!! Sabi mo...” Natigilan na lang ako ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na katabi ng Ate ko...“P-paulo?” bigla ko na lang nasambit. Hindi maaari!

“Oh bakit natigilan ka Lianne? May problema ba?! Ay---oo nga pala,hindi niyo pa pala siya kilala...Lianne siya ang Kuya Paulo mo, boyfriend ko at Paulo,kapatid ko si Lianne...”

“ANNOOOOOO?!”

“Ate Stef...” natigilan din si Bryan ng makita niya kung sino ang kasama ni Ate ngayon.

Dahil sa kahihiyan ay umakyat na lang ako bigla sa kwarto ko. Nakakahiya!!!

“Lianne,sandali!” narinig kong sigaw ni Bryan pero pinigilan na ito ni Ate.

Nahihiya ako sa sarili ko at kay Ate,kaya pala palagi kaming pinagkikita ng tadhana ng Paulo na ‘yon ay dahil mayroon pala siyang koneksyon sa Ate ko. Nakakahiya kasi...kasi...minsan na akong nahalikan ng lalaking iyon at hiyang-hiya ako dahil parang tinraydor ko ang Ate sa mga oras na yon! Kung alam ko lang...kung nalaman ko lang ng mas maaga!!!

“Lianne! Lianne!” naririnig ko si Bryan na kumakatok sa pinto. “Lianne,anong problema?”

“Wala! Gusto ko ng magpahinga,Bry! Bukas na lang tayo magkita,pakisabi kay Mama at Ate hindi na ako kakain,busog na ako!”

“Pero Lianne...”

“Sige na Bry...just leave me alone.”

“Okay.”

Kailangan ko munang mapag-isa,kailangan kong mag-isip. I bet na nakilala din ako ng Paulo na yun sa mga oras na ‘yon,kitang kita ko sa mukha niya ang pagkabigla.

-BRYAN-

That man. Siya ang nakita kong humalik kay Lianne nung mga panahong nasa Korea pa kami! At ang kapal pa ng pagmumukha niya na tumuhog ng magkapatid ha!? Wala siyang kasing kapal! SOBRA!!! Kailangan kong maproteksyunan si Lianne laban sa lalaking iyon. Hindi ako papayag na manyakin niya ulit ang kaibigan ko! HINDI! Not now & never.

Umalis na rin ako agad pagkatapos kong katukin at pilitin kausapin si Lianne sa kwarto niya,ayoko ring sumabay na magdinner kasama ang lalaking minsan ko ng gusting patayin. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga pangyayaring iyon,ako mismo ang naging saksi ng kahayupan na ginawa niya sa kaibigan ko.

Sa inis ko ay hindi ko napansin na muntik na akong makasagasa ng batang tumatawid...

“Sh*t!

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon