Chapter 26: [Making things happen]

773 19 2
                                    

-PAUL-

Matapos ang naging dinner ko sa pamilya ni Joy ay agad na rin akong nagpaalam dito,medyo natagalan ako sa kanila dahil na rin sa madaming kwento ng Kuya ni Joy. Masarap sa pakiramdam dahil sa pagkakataong ito,nakilala ko na rin ang mga importanteng tao sa buhay ng pinakamamahal ko kaya lang may isang problema...

Ang kapatid ni Joy.

Hindi ko alam na kapatid pala ni Joy si Lianne,ang babaeng ilang beses ko ng nakadaupang palad. Okay lang sana kung nagkikita lang kami sa di malamang panahon pero yung nangyari sa amin sa Korea ang hindi ko maipaliwanag. Nagawa ko siyang halikan sa isang public place doon at alam ko na maraming nakakitang tao doon. Paano na lang kung magbalik si Joy sa Korea? At may magsabi sa kanya tungkol sa bagay na ‘yon? Ayokong baka magkagulo ang dalawa dahil lang sa akin. At ayaw ko ring magalit sa akin si Joy lalo na ngayon na binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon.

Maya-maya ay nakarating na din ako sa bahay,agad kong tinawag si Manong para pagbuksan ako ng gate para mai-park ko ng maayos ang sasakyan ko. Agad akong lumabas ng kotse ng mai-park ko na ito,sinalubong ako ng isang ngiti ni Manang at napansin ko na mayroong tao sa sala dahil nakabukas pa ang ilaw doon. Nagmano ako kay Manang at tutuloy na sana sa taas ng biglang magsalita ang taong nandoon.

“Manang,di ba sinabi ko sabihin mo kay Paulo na nandito ang manager niya?” si Mama Laila na galit ang tono ng boses.

“Pasensya na po Madam, pagod po kasi yung bata kaya...”

“At anong palagay niyo sa akin? Hindi napapagod? Mukha ba akong robot na kapag sinusian niyo ay saka lang gagalaw?!”

“H-hindi naman po...”

“Tama na Mama.” Bumaba agad ako ng hagdan ng biglang magtaas ng boses si Mama Laila. “Ano ho ba ang kailangan niyo at nandito kayo? Anong oras na po?!”

“Nandito ako dahil may kailangan tayong pag-usapan.”

“Mama,kung tungkol ito kay Sophia hindi. Ayoko pong magpanggap na may pagtingin sa babaeng ‘yon kami lang rin po ang mahihirapan.”

“Ipapakasal ko kayong dalawa sa lalong madaling panahon.”

“MAMA!”

“Madam? H-hindi naman po yata tama na gawin niyo yun sa alaga ko?! Hindi pa rin po ---“

Bigla na lamang napatayo si Mama Laila at hinarap si Manang. “Ako pa rin ang manager ng batang inaalagaan niyo.”

“Pero hindi kayo ang magulang ko! Mama,wag niyong gawin ‘to sa akin,bakit pati career ko sisirain niyo dahil lang sa Sophia na yan?! Unang-una,hindi niyo pa naman kilala ang babaeng iyon ah? May amnesia yung tao tapos ipapakasal niyo sa akin?! Mama,ano ba! Totoo ba yung bali-balita na nababaliw na talaga kayo!!!”

Isang malakas na sampal ang natanggap ng pisngi ko mula kay Mama Laila. Pagkatapos ng tagpong iyon ay agad na lumabas ang manager ko, doon ko napagtanto...kailangan ko ng umalis sa poder niya.

-LIANNE-

Naupo ako sa pinakadulong upuan ng classroom ngayong araw,hindi pa rin ako makamove-on sa nangyari nung isang araw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nalaman ng Ate ko na...na...hinalikan ako ng boyfriend niya.

“Hoy Lianne!” tapik na malakas sa akin ng kaibigan ko sa classroom na ‘yon,si Clau.

“Huh?!”

“’teh,doon ka nakaupo dapat diba? Sa tabi ko? Bakit dito ka naupo sa dulo? May problema na naman ba?”

“Ha? A...e...w-wala. Wala akong problema. Okay lang ako.”

“Sus,Lianne para namang hindi mo ko naging bestfriend niyan eh. Alam ko kung may problema ka o wala. Si Bryan na naman ba ito?”

“H-hindi ah. Wala nga Clau! Ang kulit nito,pramis wala!” tinaas ko pa ang kanang kamay ko para mapaniwala ko si Clau na wala nga akong pinoproblema. Ayokong sabihin sa kanya dahil nakakahiya talaga ang ginawa ko. Sarili kong Ate niloloko ko? Ang sama kong tingnan.

“Lianne, hinahanap ka ni Bryan sa labas.” Isang kaklase kong babae ang lumapit sa akin na nakangisi pa na parang nakakaloko. Hay ewan.

“Sandali lang Clau ha?”

“Yieeee,nandiyan ang kanyang bestfriend & prince charming!” pang-aasar nito.

“Sssshh! Wag ka ngang maingay diyan,marinig ka eh.”

Paglabas ko ng classroom ay nagtitilian ang mga babaeng nandoon na nakikiusyoso sa amin. Anong problema ng mga ito? Hinarap ko si Bryan na nakangiti sa akin na parang wala ng bukas.

“B-bryan? Anong meron at ganyan ang mukha mo?” nagtataka kong tanong,napansin ko ring nakatago ang mga kamay niya sa likuran niya, “Anong itinatago mo sa likuran mo?”

Ng tanungin ko ang bagay na ‘yon ay lalong naghiyawan ng malakas sa hallway ng Commerce building. Ano ba talagang nangyayare?

“Mga schoolmate! Makinig kayo sa sasabihin ko ha? Ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay ang bestfriend ko...” Leshe. Parang gusto kong magpalamon sa lupa,ano bang problema ng kaibigan ko ngayon? Naka-shabu pa yata eh.

“Pero simula sa araw na ‘to...hindi ko lang siya magiging bestfriend...”

“Hoy Bryan! Ano bang ginagawa mo?!”

“Dahil mga schoolmate,making kayong mabuti...si Lianne ay “LILIGAWAN” ko na para maging girlfriend ko.” Saka niya inilabas ang isang bagay sa kanyang likuran, isang bouquet ng flowers at chocolates.

Ng mga oras na ‘yon ay napa-nganga na lang ako sa mga nangyare,totoo ba ang mga bagay ito?! 

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon