Chapter 38: [Meeting Sophia Mercado]

542 11 5
                                    

-LIANNE-

 “Hi!” nagulat na lang ako sa bumati,si Bryan pala.

Naghuhugas kasi ako ng pinagkainan ngayon habang si Mama ay nagpapahinga sa taas.

“Muntik ko ng mabasag ang plato dahil sayo.” Lumayo siya sa akin ng kaunti at lumipat ng pwesto sa tabi ko.

“Hi pa lang yun ha? Paano kaya kung ‘I love you’ yun?” nakangiti niyang sabi. Inismiran ko lang siya ng mga oras nay un pero sa kaloob-looban ko,kinikilig ako sa mga banat niya sa akin ngayon.

“Naku,wag mo kong guluhin at baka hindi ko ‘to matapos.” Isinaboy ko sa kanya ang tubig na mula sa pinaghugasan ko. Umalis siya sa pwesto niya at niyakap ako mula sa likuran,bigla naman akong namula sa ginawa niya. Ngayon lang niya kasi sa akin ito ginawa,siguro dahil nga noon eh mag-bestfriend lang kami kaya hindi niya magawa ang mga ganitong bagay sa akin. Pero lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng mga oras na ‘yon.

“Sus. Wag ka mag-alala,tutulungan kita.” Hinalikan ako ni Bryan sa pisngi saka tinanggal ang mga kamay niya sa beywang ko. Kumuha siya ng apron at isinabit sa katawan niya,saka pumuwesto sa tabi ko.

“Wala ka bang klase today?” tanong ko sa kanya. Ang alam ko kasi ay may klase siya ngayon kaya nagtataka ako bakit siya napapunta dito sa bahay.

“Wala si Prof. Mercedes eh kaya bago ako umuwi sa amin,dumiretso na ako dito sa inyo.”

“Ganun ba?”

“Pero meron kaming meeting mamaya para sa Engineering org. Makikipagkita daw kami sa isang sikat na artista.”

“Artista? Para saan naman daw? Diba Engineering kayo? Bakit kailangan may artista?” sunod-sunod kong tanong. Hindi ko kasi maiwasan ang magtaka,engineering ang course ni Bryan at kailangan ng artista?

“Para yun sa gaganaping Foundation Day ng Engineering Dept. Wala naman akong magawa dahil isa ako sa pinadala ng klase para makipagmeeting sa artistang ‘yon. Ang gusto ko sana eh isama ka kung gusto mo?”

Sasama ba ako? Para kasing nakakahiya dahil hindi naman ako Engineering student tapos makikita ako ng ilang estudyante doon. Saka isa pa,walang makakasama si Mama kapag umalis ako.

“Ah...ano kase,walang makakasama si Mama kapag sumama ako sayo.”

“Wag mo na ako alalahanin Lianne,okay lang ako dito. Sumama ka na kay Bryan,minsan lang ‘yon.” Narinig pala ni Mama ang usapan namin. Hindi ko napansing nakababa na pala si Mama mula sa kwarto niya.

“Hello po,Tita. Good  morning!” bati ni Bryan dito.

“Good morning din Bry. Paano Lianne,maiwan ko na kayo dito at akyat na ako sa taas? Kumuha lang ako ng tubig.”

“Sige po ‘Ma.”

Pag-akyat ni Mama ay nagkatinginan kami ni Bryan saka ngumiti na parang mga tanga. Hahaha!

---

Bago mag-5pm ay umalis na rin si Bryan sa bahay,nagstay siya sa bahay mula umaga hanggang hapon para lang makasama ako tapos susunduin niya pa ako mamayang 7pm. Buong araw pala kami magkasama ni Bryan hanggang mamayang gabi ay magkadikit pa rin kami. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti dahil sa nangyayari sa amin ngayon kahit na alam kong sa mga oras na ‘to pwedeng makita niya ang kamukha ni Marjorie.

Ay! Kalimutan ko na nga ang bagay na ‘yon...syempre,naghanap na ako ng dress na susuotin ko. Nakakaba dahil isang formal dinner ang gaganapin ng mga Engineering students sa pakikipagkita sa artistang ‘yon. Hindi ko pa man din maalala kung meron nga ba akong formal dress na masusuot.

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon