Epilogue

277 0 0
                                    

Tinitigan kong mabuti ang sarili ko sa napakalaking salamin na nasa harapan ko ngayon, kasyang kasya sa akin ang wedding gown na pinasadya naming ipatahi sa isang kilalang designer sa aming bayan. Ball gown ang silhouette na nagustuhan kong ipagawa, strapless ito at pa-heart shape ang neckline. Tatlong buwan din ang inabot para gawin ang gown na ito at sobra kong nagustuhan ang pagkakagawa, isang buwan na lang kasi ay ikakasal na ako sa lalaking hindi ko inakalang mamahalin ko pala ng higit sa isang kaibigan.


"Bagay na bagay sa'yo Lianne!!!" tuwang-tuwang sambit ni Marjorie na nanunuod sa akin habang iniikot ko ang sarili sa salamin para tingnan mabuti ang gown. Kararating lamang nila ni Jericho galing sa Amerika noong isang araw para bisitahin si Tita Malou na sumasailalim ngayon sa isang therapy dahil sa depression mula ng umalis sa kanyang poder si Claudette at sumama sa tunay nitong magulang.


"Salamat at sinamahan mo pa talaga kami dito ni Bryan, hindi ba kami nakakaabala sa inyo ni Jericho?" tanong ko dito habang tinutulungan na ako ng assistant sa gown boutique na hubarin ang gown sa akin.


"Okay lang naman, nagpaalam naman ako sa kanya at saka nasa isang meeting siya ngayon para sa franchising ng business niya sa Amerika katuwang sila Lolo." Magiliw na sagot nito. Kapansin-pansin ang pagiging blooming at masayahin ni Marjorie at lalo siyang gumanda simula nung huli ko siyang makita noong nagpropose sa akin si Bryan 11 months ago.


"Parang napapansin ko yatang napakasaya mo? May nangyari bang maganda ngayong araw sa'yo?" pagtataka kong tanong dito.


Isang ngiti lamang ang isinagot nito sa akin ngunit bago pa siya makapagsalita ay dumating si Bryan galing sa kanyang urgent meeting sa opisina. Dapat ay makakasama namin siya ni Marjorie sa pagsusukat pero bigla na lamang nagpatawag ng meeting ang boss nito kaya kahit labag sa loob ay kelangan niyang sumunod. Humahangos pa ito ng makapasok sa loob ng boutique.


"S-sorry mahal, late na tuloy ako hindi ko na nakita yung gown mo." Hingal pa ito habang nagsasalita. Mukhang ang layo pa ng tinakbo nito mula sa parking lot.


"Okay lang, mas mabuti na yung hindi mo makita yung gown ko para surprise na lang." pagbibiro ko dito pero totoo ang intension kong wag ipakita sa kanya ang gown para kahit yun man lang ay masurpresa siya sa kung anong isusuot ko sa araw na pinakaantay naming dalawa.


Lumingon ito kay Marjorie at ngumiti, "Salamat Marie sa pagsama kay Lianne."


"Ano ba kayo! Parang hindi tayo magkakaibigan, saka gusto ko talagang samahan si Lianne sa pagsusukat. Ang sarap sa pakiramdam na magsukat ng wedding gown."


"Saka parang may kakaiba kay Marjorie diba mahal? Gumanda siya lalo saka parang ang pinkish ng glow ng mukha niya, in-love yata ang kaibigan natin eh." Biro ko kay Marjorie habang nakayakap sa aking beywang si Bryan at pareho kaming nakaharap kay Marjorie na para bang nag-aantay ng sagot mula sa kanya kung bakit parang may kakaiba sa kanya.


"I-I'm 3 months pregnant guys!"


Nagulat kami pareho ni Bryan sa pagbabalitang iyon ni Marjorie at bumitaw ako sa pagkakayakap kay Bryan upang tabihan ang isa sa pagkakaupo nito.


"Talaga?! Naku, napakasaya naman ng balitang iyan, so magiging ninang na pala ako soon! I'm happy for you, I'm sure Jericho is very happy at this moment!"

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon