Chapter 20: [Hidden Confessions]

919 18 5
                                    

-BRYAN-

“Alam mo kasi Lianne, kaya ako nag-inom kagabi,dahil yun sayo.” pansin ko na hindi maipinta ang itsura ni Lianne,may chance na magalit siya sa akin o malungkot dahil sa sasabihin ko. Yun naman kasi talaga ang totoo eh, siya yung dahilan kung bakit bigla akong napainom kagabi.

“Ano?”

“Dahil sayo.”

“Ha? Dahil sakin?! At bakit naman dahil sakin?!”

“Lianne...”

Flashback

“Pre,kung mahal mo talaga si Lianne noon pa,dapat pinormahan mo na nung una pa lang.” Nasa bar kami ng mga panahon na ito kasama si Jake at Carlo. Ito yung mga panahon na hindi ko pa rin pinapansin si Lianne matapos ang pagkamatay ni Marjorie.

“Ano ka ba ‘pre. Diba sinabi ko na sayo noon na may girlfriend ako at bestfriend ko lang si Lianne.”

“’pre hindi eh. Pansin lang namin nitong si Carlo,mahal mo na yang Lianne na yan kahit noon pa pagtuntong niyo ng kolehiyo.” Nagshot ng isang baso si Jake.

“Oo,mahal ko na nga si Lianne noon pa pero bilang kaibigan na lang. Kung anuman yung nangyari sa amin nung highschool,tapos na yun mga ‘pre. Saka hindi gugustuhin ni Lianne na traydurin si Marjorie kahit pa wala na ito ngayon.”

“Patay na yung kaibigan niyo. Hanggang ngayon ba naman,binubuhay niyo pa rin siya. Grabe kayong magkaibigan, sobrang halaga ng friendship niyo ha?”

“Ang tanga mo kasi pre. Pag ikaw naunahan ng iba na angkinin si Lianne, ewan ko na lang sayo.” Nagsalita si Carlo habang nagsisigarilyo.

“Alamin mo muna,sino ba talaga ang laman ng puso at isipan mo noon hanggang ngayon.”

Laman ng puso’t isipan ko noon hanggang ngayon?

End of Flashback

“Bryan?!”

“Ano kasi Lianne,yun nga…ikaw nga yung dahilan kung bakit ako uminom. Syempre,kaibigan kita diba? Bestfriend pa tapos hindi man lang kita mapagtanggol sa kaibigan kong nanghayop sayo. Ang sakit nun para sa akin,Lianne.”

Natawa na lang bigla si Lianne sa sinabi kong ‘yun, “Bryan,ano ka ba! Hindi naman bawat oras o minuto eh magkasama tayo diba? Okay lang yun,buti nga eh meron pa ring tumulong sa akin. Okay na yun,sa susunod wag kang iinom kapag ganun lang ang dahilan mo ha! Pinapatawa mo ako eh.”

“Nakakatawa ba ang bagay na yun,Lianne?” parang nasaktan ako ng bahagya dahil sa ginawa niyang pagtawa ha?!

“Hindi naman sa ganun Bry,pero hindi naman ako napasama diba? Nandito pa rin ako kaharap mo,buhay na buhay. Para namang ikamamatay ko agad yung nangyare kahapon eh.”

“Iba pa rin kasi yung panatag ako na ligtas ka,malay mo bigla na lang babalik yung Carlo na yun para saktan ka ulit. Mahirap na.”

“Hindi na babalik yun,Bryan kaya ipanatag mo na yang sarili mo ha?!”

“Ah,basta! Dapat nandito lang ako sa tabi mo bilang bestfriend mo.”

Sa mga oras na ‘yon,nagtatalo ang isipan ko…kaibigan nga lang ba ang tingin ko kay Lianne o mas higit pa? Hindi pa rin ako sigurado sa sarili ko kung bakit ganito na lang ako magpahalaga ng sobra kay Lianne. Siguro dahil siya na lang ang tanging kaibigan kong babae. Ewan ko,bakit ganito.

-LIANNE-

Pagkatapos naming mag-usap ni Bryan ay nagpaalam na din siya para umalis at umuwi sa kanila, sigurado kasing nag-aalala na si Manang Fe sa kanya. Natatawa ako sa kaibigan kong ‘to,nag-inom lang siya dahil sa akin at hindi niya ako naipagtanggol. Wala naman sa akin kung hindi niya ako napagtanggol eh,okay lang sa akin yun pero sa kanya parang ang laki-laki na agad ng kasalanan niya sa akin.

Mabuti na lang at hindi siya nahawa ng kamanyakan ng kaibigan niyang si Carlo. Sobrang hayop ng lalaking ‘yon at ayoko na siyang makita pa kahit kailan no!? Akala ko isa siyang mabuting kaibigan kay Bryan yun pala ay hindi. Makikita niya,mabubulok siya sa kulungan dahil sa ginawa niyang ‘yon.

Pero dahil sa mga narinig kong iyon galing sa kanya ay parang bumabalik yung dating pagtingin ko sa kanya na higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko alam,hindi ko maunawaan ang sarili ko bakit ganito ang nararamdaman ko?! Anong ibig sabihin nito?!

“Lianne, hindi ka pa ba papasok sa loob? Nakauwi na yata sa kanila si Bryan nandiyan ka pa rin sa labas?!” si Mama.

“Opo,Ma! Nandiyan na po,papasok na po ako.” Hindi ko napansin na nanatili pala ako sa labas matapos kong ihatid sa gate si Bryan. Kung ano-ano kasi pumapasok sa isipan ko eh.

“Malalim ang iniisip mo kanina habang nasa gate ka ha?” tanong sa akin ni Mama na nagtataka.

“Ah,wala naman po Ma. Nag-alala lang po talaga ako ng sobra kay Bryan.”

“Baka kung ano na yang pag-aalala na yan ha?!”

“Ma naman!” Ano ba ‘tong iniisip ng Nanay ko?!

“Sinisigurado ko lang naman anak na magkaibigan lang talaga kayo ni Bryan.”

“Ma,normal lang sa akin mag-alala para sa kanya no? Kaibigan ko yung tao eh.”

“Oo na. Sige na,umakyat ka na sa kwarto mo.” 

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon