Chapter 31: [Unexpected]

716 15 4
                                    

-PAUL-

“Are you ready Paul?” kinabahan ako bigla ng tapikin ako ni Tita Becky sa balikat. Ngayong araw kasi ay napagdesisyunan ko ng lumipat ng ibang management para sa career ko and I chose Tita Becky since isa siya sa mga road manager ko na humahawak sa akin every time na nasa travel si Mama Laila. Kaharap ko ngayon si Mama Laila at poker face lamang ang pinapakita nito,hindi ko alam kung galit ba siya o natutuwa or maybe not in the two option.

“Paul?” nagsalita muli si Tita Becky.

“Yes,Tita. I’m ready.”

Inilapag na sa akin ni Tita ang isang folder na naglalaman ng mga legal na papeles na aalis na nga ako sa poder ni Mama Laila. Kasabay ng pagbigay ni Tita Becky sa akin ng folder na ‘yon ay ang pagbigay din ng assistant ni Tita Becky kay Mama Laila ng parehong papeles. Matapos kong pirmahan iyon ay nagpalit kami ng hawak na folder ni Mama Laila at pumirma ulit doon. Matapos ng lahat ay nagsalita muli si Tita Becky...

“And that’s official, Paul is now under my management. Is really that okay with you Laila?”

“Yes. It’s fine. Beside he decide for himself, I don’t have the right to stop him.” Wala pa rin akong makitang reaction ng sabihin iyon ni Mama Laila.

“Then okay. The meeting is over between us Laila,you can go if you want.”

“Okay.”

At lumabas na ng opisinang iyon si Mama Laila. Nakokonsensya ako sa nagawa ko dahil si Mama Laila ang nakadiskubre sa akin noon,siya din ang dahilan kung bakit naging ganito ako kasikat sa industriyang pinasukan ko, siya ang nag-alaga sa akin at minahal niya ako na parang isang anak but then everything’s change ng dumating ang Sophiang ‘iyon sa buhay namin. Parang she ruined half of everything I have in my life.

“Are you okay Paul? Pansin ko kanina pa malalim ang iniisip mo ah?”

“Ah...hindi naman po ganun Tita. It’s just I’m going to miss Mama Laila.”

“Well, it’s normal. You can still talk to her if you want, nagbago ka lang naman ng manager pero hindi ka nagbago as her son. Hindi man siya ang biological mother mo, she became one already nung hinawakan niya ang career mo.”

“Yeah I know Tita. Nakakalungkot lang po at kailangang umabot pa kami sa ganito.”

“Paul, I think your Mama Laila loves you very much that’s why she want to chose the perfect girl you can marry. Pero sa maling paraan niya ginawa, hindi pa niya ganon kakilala ang Sophia na ‘yon kumpara sayo.”

“Mukhang nakuha ni Sophia ang loob ni Mama kaya ganun na lamang ito ka-eager sa babaeng iyon para mapasikat at gagamitin pa ako para pakasalan ang babaeng ‘yon.”

Napangiti na lang sa sinabing iyon si Tita Becky, “Let’s forget about it, you have to start again on your career path and we will discuss it here now on my office,can we?”

“Yes Tita.”

-SOPHIA-

“Mama, umiinom pa rin po ba kayo?” nag-aalala kong tanong kay Mama Laila dahil kanina pa ito sa kanyang opisina at walang ibang hawak kundi ang isang bote ng wine.

“Oh there you are Sh-ophia!!! H-anong problema at nai-shi-pan mo akong dalawin sha aking opi-shi-na?”

“Actually Mama,kanina pa po ako nandito sa labas. Hindi ko na po kayo inistorbo kanina dahil nga po umiinom kayo.” Lumapit na ako kay Mama at sinubukang kunin ang alak na hawak-hawak nito.

“H-ano ba!!! Bitiwan mo nga ang alak ko!!!” sigaw nito na ikinatigil ko naman.

“Pero Ma, masama na po ang sobrang alak sa inyo. Ano po ba ang problema niyo at bakit kayo biglang napainom ng alak?”

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon