Chapter 14: [Restaurant Memoir]

948 18 2
                                    

-PAULO-

“Ano ba naman Sophia,ang kulit mo ha?”  Nasobrahan yata ang Sophia na ito sa kakulitan,halos masira na ang buhok ko sa kakasuklay at kakaipit niya. Ginagawa na niya akong bakla. Bakit ba naman kasi naisipan ni Tita Becky na pasamahin pa ‘to sa last taping day naming para sa isang pelikula na kinunan din namin sa Korea.

“Paulo naman,minsan lang naman maging makulit,ayaw mo pa? Sige ka,pag ako nagtampo baka sumakit na naman ulo ko?” Nagpacute pa ang babaeng ito sa pagpoutylips niya.

“Ano pa nga bang magagawa ko? Nako, bahala ka diyan. Pag nagreklamo ang hair stylist ko sa buhok ko, ikaw sisihin ko.”

“Nako, hindi iyan. Si Kuya Alex pa.” Sabay yakap sa akin ng mahigpit ni Sophia. Eh,ano to? Kailangan talaga niya akong yakapin? Nakakainis naman.

Six months na rin ang lumipas simula ng kunin namin siya ni Tita Becky mula sa Korea. Mabuti at hindi pa umuuwi si Mama Laila kundi lagot ako dun,siguradong magtatanong yun kung bakit bigla akong nagkaroon ng lintang babae. Paano ba naman eh panay ang dikit sa akin? Sinakyan pa ni Tita Becky na artista ang babaeng ‘to at ka-loveteam ko pa. Tsk!

Ni hindi pa nga namin kilala kung sino talaga ang babaeng ‘to eh. Sa tuwing sasakit kasi ang ulo niya,ang tangi niyang naalala ay isang park. Isang park daw na magulo,maraming nagtatakbuhan at may humahabol daw sa kanya. Ay ewan ko. Pero hindi naman siya nakaapekto sa trabaho ko,sa totoo pa nga niyan,lalong sumigla ang career ko ng makilala namin siya nila Tita. Para siyang lucky charm sa akin.

“Paulo,hindi ka pa ba nagugutom? Nagugutom na kasi ako eh.” Tumingin ako sa orasan, 11:45am na pala, hindi pa pala kami dinadalhan ng pagkain sa tent.

“Osige, magbihis ka at kakain tayo sa labas. Break time naman yata. Magpapaalam lang ako kay Tito.”

“Yehey!” Parang bata naman na nagtatatalon sa tuwa ang Sophia na ‘to. “-__-

-BRYAN-

“Saan mo gusto pumunta ngayon,Anne?” tanong ko kay Lianne. Sabado kasi ngayon at wala kaming pasok kaya naisipan kong pumunta kila Lianne para yayain sana siyang lumabas. Ilang buwan din ang lumipas nung huli kaming kumain sa labas eh.

“Wow. Anne na ang tawag mo sa akin ha? Kelan mo ba ako huling tinawag ng ganyan? Nung bago maging kayo ni Marjorie noh?”

“Oo...yata?” tawa na lang ang isinagot sa akin ni Lianne.

“Sa may isang restaurant na kinakainan namin ni Marjorie noon...gusto ko pumunta dun at kumain.”

“Pero teka...akala ko ba magsisimula ulit tayo na parang hindi natin nakilala si Marjorie?”

“Oo,mag-uumpisa nga tayo. Pero wala naman sa usapan na kakalimutan natin ang mga ala-ala ni Marjorie diba?”

“Pero....”

“Wala ng pero...pero...” hinarap ako ni Lianne. “...si Marjorie wala na,pero tayong dalawa buhay pa. Kaya lahat ng ginagawa nating tatlo noon, gagawin pa rin natin ngayon. Okay ba sayo yun?”

“Uh...Sige na nga!”

“Very good! Tara na, nawala na yung kinain natin nung breakfast eh. Maglunch na tayo,nagpaalam na ako kay Mama” At nauna ng maglakad si Lianne sa akin.

“Teka lang naman!”

-PAULO-

“Nagpareserve na ako ng isang table sa restaurant na kakainan natin. Pero bago tayo magpunta dun,pwede samahan mo muna ako bumili ng regalo para sa isang kaibigan?”

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon