Chapter 1: [The Trio]

2.2K 33 7
                                    

-BRYAN-

 

Ako si Bryan, friendly sabi nila kaya halos lahat ng estudyante sa eskwelahan namin ay kaibigan ko na yata. Hindi ko na nga alam kung ano ang mga pangalan nila eh at dahil doon ay nagiging heartthrob na rin ako sa campus namin. Hindi naman ako ganun ka-gwapo,syempre ayokong i-angat ang sarili kong upuan pero siguro dahil na rin sa pagiging palakaibigan ko eh ganun na lang ang paghanga ng ilang babae sa akin. Pero hindi ko pinapansin ang mga babaeng ito dahil meron na akong dalawang babae sa buhay ko na napaka-importante sa akin,ang girlfriend ko,si Marjorie at si Lianne na bestfriend ko.

Bago ko pa man maging girlfriend si Marjorie ay magkakaibigan na kaming tatlo nila Lianne simula pa ng mga bata kami at palagi kaming magkakasama saan man kami mapunta,eskwelahan man yan o lugar na papasyalan namin hindi kami pwedeng maghiwalay na tatlo. Pero nung tumuntong kami ng kolehiyo ay doon ako nagkaroon ng interes kay Marjorie at malaki ang pasasalamat ko kay Lianne dahil isa siya mga naging daan para sagutin ako ni Marjorie.

Martes. May pasok ako at whole day ako ngayon sa school at wala namang klase si Marie (Marjorie) kaya si Lianne lang ang palagi kong kasabay tuwing Martes. Mabilis akong naligo,nagbihis at kumain dahil pupuntahan ko pa sa kanila si Lianne,mga 2 subdivisions lang naman ang dadaanan ko at may school bus naman ang highschool department ng school kaya dun ako palaging sumasabay.

BEEEEEEEEEEP! BEEEEEEEEEEEP! BEEEEEEEEEEEP!

 

“Thank you Manong!”

“Walang problema,Bryan!”

Bumaba na ako ng school bus at agad na nagdoor bell sa bahay nila Lianne.

DING DONG! DING DONG! DING DONG!

 

“Teka lang! Nandiyan na!”

Siguro late na naman ang babaeng ito nagising kaya ngayon ay nagmamadali. Sabagay,ang hilig kasi magpuyat nito. Ang sabi sa akin ni Marie,nagconfe pa daw sila kagabi kaya inabot ng 1am ang usapan nila. At siguro hanggang ngayon,tulog pa din si Marie kasi wala pa akong natatanggap na good morning text mula sa kanya.

“Good morning!” bumati sa akin si Lianne na nakangiti. Maganda siguro ang gising nito,hindi naman kasi palangiti itong si Lianne eh pag napupuyat.

“Uh. Good morning! Maganda yata ang gising natin?”

“Oo naman. Matatanggap ko na kasi yung gift sa akin ni Ate.” Hindi pa rin nabubura ang mga ngiti na nasa labi ni Lianne.

“Aling gift? Yung sinasabi mo bang ticket na trip to Korea?”

“Yes! Wala na ngang iba. Kayong dalawa ni Marie ang isasama ko ha? Para out of town date niyo na rin.”

“Sige ba! Wala problema dun!”

Pagdating namin sa campus ay nauna ng pumasok sa classroom nila si Lianne dahil unang-una ang building ng Commerce kaysa sa building ng Engineering. Bachelor in Commerce and Administration Major in Accounting si Lianne at Marie samantalang ako ay Bachelor of Science in Civil Engineering,kaya magkaiba ang building na pinapasukan namin.

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon