Chapter 22: [Curiosity kill the cat]

948 19 3
                                    

-STEF-

“Is Sophia Mercado, the new actress under the Magic Circle is the rumored college girlfriend of Paul Reyes?”

Nagising ang diwa ko ng marinig ko ang balita sa TV, mukhang pamilyar ang mga pangalang binanggit doon pero hindi ko lang matandaan saan ko narinig ang mga iyon?

“Ate may problema ba?” tanong sa akin ni Lianne,mukhang napansin niya ang balisa kong mukha.

“Ah,wala naman. May narinig lang kasi ako sa TV na pamilyar na pangalan.”

“Naku Ate,wag mong pagpapansinin yang mga balitang showbiz sa TV. Puro chismis lang naman kasi yang mga yan,mabuti pa yung mga news na importante na lang ang panuorin natin,teka lilipat ko lang yung channel.” Tatayo na sana si Lianne nang pigilan ko siya.

“Naku wag na,kumain na lamang tayo. Hayaan mo na lang yang TV diyan,wala lang naman yung narinig ko.”

“Oh? Sige Ate.”

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay agad akong umakyat ng kwarto at nagbukas ng laptop ko. Naparesearch tuloy ako tungkol sa news na narinig ko. Hindi ko alam bakit pero parang may nagudyok sa akin na alamin kung sino ang dalawang sikat na couple na ito. Hindi ko rin naman kasi nakita sa TV kung ano ang itsura ng dalawang couple na yun.

Google.com > Paul Reyes & Sophia Mercado > Search >Results 22 found

Paul Reyes Wikipedia

Evan Paulo Reyes (born August 01,1988 in Washington DC) also known as Paul Reyes in Philippine TV is an actor/model/host. He was born in America but raised in Philippines…

Educational

Paul studied Bachelor of Civil Engineering in University of the West in Manila…

Teka. Nagulat ako sa nabasa ko!? Totoo ba ito…

---

“Teka, huminahon ka Stef. Diba hindi ka pa naman sigurado kung si Evan nga yung artista na Paulo Reyes diyan diba?” Agad kong tinawagan si Cheska ng mabasa ko ang Wikipedia article ng Paulo Reyes na ‘yon. Hindi kasi ako makapaniwala na siya nga ‘yon. Bigla akong nag-panic dahil sa bagay na ‘yon.

“Pero kasi ano…nakita ko na sa UW siya nag-aral nung college at CE ang kinuha niyang course. Imposibleng hindi siya yon,saka yung Sophia Mercado. Pamilyar ang pangalan ng babaeng iyon…hindi ko lang maalala kung saan ko nabasa ang pangalan na ‘yon.”

“Ha? Teka,pamilyar nga! Parang nabanggit mo na siya noon…alalahanin ko lang kung kailan mo…Ay tama! Siya yung nagpadala sayo ng regalo na ang sabi ay girlfriend daw siya ng kabigan mo sa Pilipinas! Meaning…”

“Meaning? Siya nga ang bagong girlfriend ni Paul.” Nalungkot ako ng makumpirma ko ang bagay na yun.

“Stef…wag ka munang sumuko. Malay mo chismis lang ‘yan,wag ka mawalan ng pag-asa Stef.”

“Nakakalungkot pa rin kasing isipin Cheska eh. Sabagay,may karapatan naman siyang maghanap na ng iba tutal matagal na kaming tapos diba?”

“Hay nako Stef! Iyan lang ba ay susuko ka na agad,malay mo meron pang pag-asa,hindi pa sila mag-asawa ano ka ba! May chance pa na magbreak ang mga ‘yan. Ang mabuti mong gawin,hanapin at kausapin mo na si Paul bago pa mahuli ang lahat. Tandaan mo, 1 month lang ang bakasyon mo diyan at hindi ka pwedeng magtagal.”

“Alam ko yun Cheska,salamat pala sa pagchicheer-up sa akin ha? Kung wala ka siguro baka kung ano ng magawa ko ngayon.”

“Loka-loka ka girl! Magpapakamatay ka agad?! Tigilan mo nga ‘yan!”

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon