Chapter 18: [A Savior]

994 22 4
                                    

-LIANNE-

“Oh mukhang masaya ka yata girl?” tanong sa akin ni Mei,isa sa mga kaibigan ko sa campus bukod kay Marjorie at Bryan. Nasa isang mall kami ngayon at bumibili ng ilang kakailanganin namin para sa isang project.

“Hindi naman masyado. Masaya lang ako kasi nakapagcelebrate kami ng birthday ng Ate ko na masaya kahit wala siya.”

“Weh? Yun lang ba?! If I must know,ayon sa source ko nagdate daw kayo ni Bryan ah?!”

“Ha? Saang source naman nanggaling yan ha?” Ang bilis namang kumalat ng chismis na ‘yun ha?

“Secret.” Sabay ngisi sa akin ni Mei.

“Hindi yun date no?! Nagbonding lang kami ng kaibigan kong yun syempre ang tagal na rin naming hindi nakakapagbonding nun pero date?! Malabo no.”

“Hahahaha,ang swerte mo talaga girl at naging bestfriend mo yung si Bryan ha? Maraming girls kaya ang gustong makipagfriendship dun.”

“Alam ko yun Mei,at alam ko din na isa ka dun no!”

“Hahahaha,magkaibigan nga tayo! Pero girl,iwan muna kita dito sa bookstore ha? Punta lang ako ng comfort room.”

“Sige.”

Pinagpatuloy ko ang paghahanap ng mga gamit para sa project namin sa loob ng bookstore ng biglang…

-PAULO-

“Gusto mo yan?” tanong ko kay Sophia.

Nasa isang mall kami ngayon at bumibili ng mga kakailanganin niya para sa pagsisimula ng career niya. Yes,you read it right. Career niya which means pumasa siya sa standards ni Mama Laila last week at sobra itong natuwa dahil maganda nga naman si Sophia. Kahit galit ako dahil sa ginawa niya,wala akong magawa,si Mama Laila ang nag-utos eh.

“Oo,gusto ko nito. Nabasa ko kasi siya sa isang magazine at maganda daw ito for your face. And syempre,double purpose para sa akin na rin. Diba?” She’s talking about the BB Cream na nasa tapat namin. Bumibili siya ng make-ups niya na gagamitin niya which I think hindi na naman siguro kailangan pero bahala siya.

“Teka babayaran ko lang ito sa cashier ha?”

“Okay.”

Maganda si Sophia, aminado ako dun at mas maganda siya sa totoong Sophia na ex-girlfriend ko. Ang malaking pagkakaiba lang nilang dalawa,ang tunay na Sophia sa buhay ko ay sobrang simple,mahinhin at halos hindi makabasag pinggan pero ang Sophia na ito,isang malaking kabaliktaran sa katauhan ng tunay na Sophia.

“Paano,next shop naman tayo?”

“Sige,pumunta ka muna doon at may bibilhin lang ako sa bookstore.”

“Ay?! Hindi mo ako sasamahan?!” nagpoutylips na naman ang babaeng ‘to.

“Kaya mo na yun saka puro pang-babae lang naman ang nandun. Kapag tapos ka na,puntahan mo na lang ako sa bookstore.” At saka ako umalis sa harap niya.

---

“Bitiwan mo nga ako,Carlo. Ano bang gusto mo?”

Napansin ko na may isang babae at lalaki na mukhang nag-aaway sa pinakasulok na lugar ng bookstore na ‘yon. Nakita kong ang higpit higpit ng pagkakahawak niya sa braso nung babae,mukhang binabastos pa yata ito.

“Gusto kita. Gustong-gusto kita Lianne. Hindi ko lang masabi sayo pero gusto talaga kita at hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman kong ‘to”

“Ang kapal naman ng mukha mo! Kaibigan ka pa man din ni Bryan tapos ganyan ka ka-manyak! Mukhang nagkamali ang bestfriend ko ng kakaibiganin sa pagkakataong ‘to. Kapag hindi mo ko binitawan,sisigaw ako dito.”

“Kung may makakarinig sayo,nasa sulok tayo ng malaking bookstore na ito kaya imposible ka nilang marinig.”

Hindi na ako nakapagpigil kaya nilapitan ko na ang mga ito.

“Anong nangyayari dito?” tanong ko sa lalaking may itsura naman kaso mukhang manyak.

“Wala kang pakialam,usapan namin ito ng girlfriend ko.”

“You idiot! I’m not even your girlfriend! Yuck!”

“Pre,hindi mo raw siya girlfriend eh. Paano ba yan?”

Nagulat na lang ako ng bigla akong duraan ng lalaking ito. Aba! Ginagago yata ako nito eh.

“G*** ka pre ha!” Sinuntok ko na siya dahil hindi na nagpang-abot ang inis ko. Okay lang sana kung murahin niya ako pero yung duraan ako sa mukha. Mabuti na lamang at naka-cap ako ng mga time na ‘yon kaya hindi buong mukha ko ang nakasalo ng dura niya.

Maya-maya ay inawat kami ng mga sekyu sa loob ng bookstore. Mabuti at nahawakan nila ako ng mahigpit kundi kanina pa namatay tong lalaking ito.

“Bitiwan nyo ko.” Pagpupumiglas ng lalaki sa mga nakahawak sa kanya. “Hindi pa tayo tapos,gago kang lalaki ka!”

“F&&* you!”

Binitiwan na rin ako ng mga sekyung humawak sa akin at humingi ng dispensa dahil nagmarka ang mga kamay nila sa braso ko. Pagkatapos kong ayusin ang mga damit ko ay tumingin ako sa babaeng medyo napuruhan yata sa braso niya.

“Miss, are you okay?”

“Oo,okay lang ako. Thank you nga…” Nagulat ako ng mag-angat siya ng mukha.

“IKAW?” sabay naming sambit sa isa’t isa.

Siya yung babaeng nahalikan ko sa Korea at nakabangga ko. Siya rin yung babaeng nakaagawan ko sa isang jacket sa isa sa mga mall ni Lolo noon. At ngayon siya yung babaeng pinagtanggol ko sa isang manyak na lalaki? Aba,parang palagi kaming pinagkikita ng tadhana ah?

“S-salamat pala sa pagliligtas sa akin dun sa lalaking manyak na yun ha?”

“Wala yun. Ilang beses na kitang na-meet at hindi pa lagi inaasahan.” Pagkamangha kong kwento sa kanya.

“Oo nga eh,pasensya ka na ha?! Malaki ang utang na loob ko sayo sa pagkakataong ito,hayaan mo babawi ako sayo.”

“Hindi na kelangan,okay na naman ang lahat. Mabuti na lang at hindi ako nakilala ng mga tao dahil dun ako malalagot. By the way,hindi mo pa napapakilala ang sarili mo sa akin? If you don’t mind,ano nga pala ang name mo?”

“Ah,oo nga no? Ako nga pala si Lianne.”

“Ow, Lianne is your name. Nice name huh?! Paano mauna na ako sayo at may naghihintay pa sa akin sa labas.”

“Sige. Thank you ulit!”

At saka ko siya iniwan doon sa loob ng bookstore na may pagkamangha sa nangyari. Hindi ko alam bakit ilang beses na kaming nagkikita at hindi pa sinasadya ang mga pagkakataong iyon.

“Paulo,what happened?” si Sophia na mukhang kararating lang sa tapat ng bookstore.

“Nothing. Tara,let’s go home.”

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon