Chapter 47: [Fresh Start]

301 2 0
                                    

-BRYAN-

Dapithapon na ng makauwi ako galing sa eskwelahan, nagsimula na kasing magpractice ang engineering department para sa aming graduation sa susunod na buwan. Minabuti kong makauwi agad para makadiretso sa ospital kung saan naka-confine si Lianne,isang linggo na din ang lumipas simula ng mangyari ang di inaasahang pangyayari at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang reaction ng katawan ni Lianne sa nangyari, hindi ko din alam kung konektado ba ito kay Marjorie o sa naging pagtatalo namin ni Paulo.

“Oh Bryan,nariyan ka na pala. Mabuti naman at ng may makapalitan na ako sa pagbabantay kay Lianne, may aayusin pa kasi ako sa bahay ‘nak.”

“Okay lang po Tita. Wala naman po akong pasok bukas kaya okay lang po kahit magpabukas na po ako dito.”

“Naku,salamat ng marami iho.”

Mahigpit na hinawakan ni Tita Andrea ang mga kamay ko at saka tuluyang lumabas ng kwarto ni Lianne.

Umupo muna ako sandali sa sofa sa gilid ng kwarto,naisipan kong magpahinga muna. Tinitigan ko muna si Lianne na parang nahihimbing lang ng tulog bago ko naisipang humiga at umidlip.

~

Nagising na lang ako bigla ng maalala kong binabantayan ko nga pala si Lianne sa ospital. Agad akong bumalikwas ng bangon at tiningnan ang kamang hinihigaan niya...nagulat na lamang ako ng wala akong makitang pasyenteng nakahiga doon. Saan napunta si Lianne? Kinuha ba siya ng mga doctor at inilipat sa ibang kwarto? Teka? Bakit ba kasi ako natulog!

Agad kong tinahak ang pintuan ng kwartong iyon para makalabas pero may humawak sa kamay ko bigla...

“Saan ka pupunta?”

“L-lianne?”

“Iiwanan mo ako mag-isa dito?”

Hindi na ako nakapagsalita pa...parang hindi ako makapaniwala na ang ilang araw kong pinagmamasdan habang mahimbing na nagpapahinga ay nagising na. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit na parang ayaw ko na siyang pakawalan sa mga bisig ko. Diyos ko,salamat po at nagising na rin sa wakas ang babaeng pinakakamahal ko.

“Uh,para namang ang tagal kong nawala sa pagkakayakap mo ah?”

“Hindi biro ang isang linggong paghihintay para magising ka.” Agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ng mabuti ang mga kamay niya. “Kelan ka pa nagising? Ngayon lang ba?”

“Ang totoo niyan Bryan, kagabi pa ako nagising. Nalungkot nga ako ng malaman kong wala ka at umuwi ka daw sa inyo.”

 “Pasensya ka na Lianne,may kinailangan kasi akong asikasuhin,pero bakit hindi sinabi agad sa akin ni Tita Andrea na gising ka na pala para naman nakabalik ako agad?”

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon