Chapter 29: [Choosing between]

705 12 0
                                    

-STEF-

Nagkita kami ngayon ni Paul sa isang restaurant at doon naming napagpasyahan na pag-usapan ang problema niya. Nag-aalala kasi siya sa kalagayan ng manager niya at sa career niya dahil nga ang gusto ng kanyang Mama Laila ay ipakasal siya sa bagong talent nito which is ayoko tulad ng pag-ayaw ni Paul.

“Anong plano mo ngayon,babe?” tanong ko sa kanya na hanggang ngayon ay napakalalim pa rin ng iniisip.

“I already asked for Tita Becky’s opinion at ang sabi niya ay lumipat na daw ako ng agency since pinapakialaman na ni Mama Laila ang personal life ko.”

“May point ang Tita Becky mo. Manager mo lang naman yung Laila na ‘yon eh, we all know na parang second mother mo na siya pero mali pa rin na pakialaman ka niya ng personal.” Maya-maya ay hinawakan niya ang kamay ko.

“Stef,what if magstay pa rin ako kay Mama Laila pero ikaw ang yayayain kong magpakasal?”

Bigla na lang ako nagulat sa sinabi niya, kasal?! Agad-agad?! Tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka nagsalita.

“Evan, hindi naman kaya napakaaga ng pinaplano mong kasal?” bigla ulit itong tumahimik. “I mean,wala pa tayong enough saving & plans para sa isang kasal kaya baka mabigla tayo parehas. Let’s take it slow,I didn’t mean na ayokong magpakasal sayo,syempre gusto ko. Kaya lang...”

“I know Stef pero undecided pa rin kasi ako with my career. Nagsimula ako kay Mama Laila & then biglang ganito?!”

Wooooo! Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ay seryoso talaga siya sa kasal na ‘yon.

“Much better Evan kung wag mo munang isipin yang problema mo na ‘yan. Why not we enjoy the day today? Let’s watch movies or maglaro tayo ng arcades. Yung mageenjoy ka kahit papano para mawala naman yang iniisip mo? Don’t worry,my treat!” yaya ko dito dahil sobrang down ang boyfriend ko at kitang-kita naman yun sa mukha niya. Ng sabihin ko ang bagay na ‘yon ay ngumiti siya sa akin at tumango.

“Good! Let’s finish our food first then tuloy na tayo sa movie house,okay?”

“Okay!”

-SOPHIA-

 

Kasalukuyan ako ngayong nasa mall para mag-mall show dahil nakasama ako sa isang upcoming show ng ABC network tuwing gabi. Ito yata yung first break na binigay sa akin ng station after kong mag-sign ng contract sa kanila. Masaya naman ako sa mga natatanggap kong blessings ngayon although yung memories ko ay hindi pa rin gaano bumabalik. Hindi ko pa rin maalala na isa nga akong upcoming star noon at naka-loveteam ni Paul sa isang series,maski nga ang pag-arte ay nakalimutan ko na din yata. Kinailangan ko pang kumuha ng workshop para lang maging qualified sa show na ‘to.

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon