Chapter 2: [Ticket]

1.3K 26 7
                                    

-LIANNE-

 

“Thank you Ma. Makukuha na ba agad yun ni Marie?” kausap ko sa phone si Mama,dumating na kasi sa delivery yung ticket na ireregalo sa akin ni Ate.

“Yes,anak. Pumunta na si Kuya Leo mo kila Marie. Siya na daw magdadala nun.”

“Aww. Okay,thank you talaga Ma.”

“Your welcome iha. Sige,pumasok ka na sa class mo at baka malate ka pa.”

“Sige po.” Ibinaba ko na ang phone.

Grabe,ang saya naman! Akala ko next week ko pa matatanggap yun,surprise pala talaga ni Ate sa akin yun.

Pumasok na ako sa loob ng cafeteria para bumili ng lunch ko. Hinanap ko na rin si Bryan kung nandun na siya sa cafeteria para sabihin yung magandang balita.

“Bryan!” tawag ko sa kanya,nandun siya sa may dulong table ng cafeteria ng school.

Tumingin siya at ngumiti sa akin,lumapit ako sa kanya. “Bry,natanggap na ni Marie yung ticket niya to Korea.”

“Dumating na? Akala ko ba,next week pa?”

“Akala ko nga din eh. Pero hindi,nakakasurprise nga eh kasi pinadala pala agad ni Ate.”

“Eh kelan daw tayo pupunta sa Korea!?”

“Yun ang di ko alam. Pero makikita naman natin yun sa ticket eh saka yung ticket mo, kunin mo na muna sa bahay saka tayo dumiretso kila Marie.”

“Oh sige. Naglunch ka naba?”

“Hindi pa nga eh.”

“Tara saluhan mo na ako dito,malapit na mag-1pm baka malate na naman ako dahil sayo.” Sabay irap niya sa akin.

Teka nabadtrip ba siya sa akin dahil sa pagsundo at paghatid niya sa akin sa building ko at nalate siya? Eh ako nga itong dapat magalit sa kanya kasi kung hindi ko siya inisip nung time na magtuturo si Ms. Reyes edi sana hindi ako naminus 10 sa quiz. Ugh! “-__-

-BRYAN-

“CLASS DISMISSED.”

Oh kay sarap pakinggan ng salitang yun,ibig sabihin,uwian na namin. Ah oo nga pala,susunduin ko pa pala si Lianne sa classroom nila kasi pupunta pa ako sa kanila para kunin yung ticket ko at pupunta pa kami kila Marie para makipagkuwentuhan. Sabagay,okay na rin yun kasi namimiss ko na si Marie eh.

“Hoy Bryan!” may tumulak sa likod ko.

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon