Chapter 19: [Last night at the bar]

944 23 7
                                    

-SOPHIA-

“Hm,matanong lang kita Paulo. Ano ba talagang nangyari sayo dun sa bookstore?” nacucurious na talaga ako eh. Pagpunta ko kasi sa bookstore ay nakita kong may mga nagkakagulo sa bandang entrance ng bookstore. Nag-alala lang ako at baka may nakakilala sa kanya sa loob kaya ganon na lang ang nangyari doon.

“Wala naman. Saka bakit mo ba tinatanong? Girlfriend ba kita?!”

“Concern lang naman ako sayo eh. Masama ba ‘yon?”

“Mabuti pa,ayusin mo na yung mga gamit mo at bukas ay ipapakilala ka na ni Mama Laila sa media,kailangan mong maghanda para dun. Wag mo na akong alalahanin,kaya ko sarili ko.”

Tama naman si Paulo,hindi niya ako girlfriend kaya dapat wala akong pakialam sa kanya. Pero matutulungan ko ba ang sarili ko na wag mag-alala sa kanya lalo na ngayon na nagugustuhan ko na talaga siya. Kung alam niya lang kasi ang nararamdaman ko para sa kanya baka sakaling magbago siya ng pakikitungo sa akin.

“Sige,maghahanda na ako para bukas.”

“Mabuti yan.” At saka siya umakyat sa kwarto niya.

Okay na rin ‘to at least nakagawa na ako ng isang way para mapalapit sa kanya lalo. Yung package na pinadala ko para sa kaibigan niya sa Korea,hindi ako naniniwala na kaibigan niya lang ‘yon. Kaya inunahan ko na kung sino man ang babaeng ‘yon pero syempre,itinago ko ang pangalan ni Paulo para mag-isip din yung babae kung kanino yun galing. Kahit wala akong maalala sa nakaraan ko,malakas ang palagay ko na ako nga talaga si Sophia Mercado.

-BRYAN-

“Eh g*** pala itong si Carlo! Wag lang siyang papakita sa akin, Jake. Minanyak niya bestfriend ko,kapal ng mukha niya!” Sh*t,ngayon ko lang nalaman ang nangyari kay Lianne kanina. Hindi ko man lang siya napagtanggol laban sa hayop kong kaibigan. Kagabi lang ay na kila Carlo ako para magcelebrate dahil naging successful ang plano namin tapos ganun ang gagawin niya sa bestfriend ko.

“Pre,kaibigan pa din natin si...”

“Walang kai-kaibigan Jake sa atin pag ganito na ang usapan. Alam ko namang may mga gusto kayo kay Lianne pero hindi ko naman akalain na gaganituhin niyo siya.”

“Labas ako diyan 'pre. Wala akong alam sa ginawang iyon ni Carlo.” Tinungga ko yung isang beer na nasa harapan ko. Nasa bar ako ngayon kasama si Jake para maglabas ng sama ng loob.

“Pero shutangenang Carlo yan. Makakatikim sa akin yan kapag nagpakita sa atin yan bukas.”

“Tama na 'pre. Magpababa ka muna ng dugo, masyado kang highblood. Gusto mo bang mambabae muna?”

“Sh*t ka Jake, manyak ka din eh.”

“G***, magtatable lang tayo. Isip mo green ha!?” sabay batok sa akin ni Jake at umalis. Mukhang pupunta sa section ng kuhaan ng babae para magtable. Sa sobrang kalasingan ko ay sinigawan ko si Jake,

“Pare! Yung maganda ha!?”

---

“Putek! Ang sakit ng ulo ko. Anong nangyare?”

Tumayo ako at hinimas himas ang ulo ko. Sobrang sakit ng ulo ko na parang bibiyakin ‘to. Nagulat ako ng makita ko ang isang litrato ng babae sa loob ng kwartong iyon, napaisip ako kung sino yun. Parang kamukha ni Lianne? Nananaginip ba ako? Ah,Oo si Lianne.

Teka.... * processing* SI LIANNE NGA!

Nasa kwarto ako ngayon ni Lianne?! Sheeeeeeeeeettttttt! Anong ginagawa ko dito?

“Gising ka na pala,Bry.” Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Lianne.

“Teka,paano ako napunta sa inyo?”

“May patable table ka pang nalalaman, ako kaya ang tinable mo kagabi.”

“Ha? Wag mong sabihin...”

“Sira! Hindi ako GRO dun noh, nagtext kasi sa akin si Jake na sunduin ka dun at lasing na lasing ka na daw. Nung dumating ako eh naghahanap kayo ng babaeng tinetable. Nagsuggest ako na ako na lang,para madala na kita sa inyo kaso,ang layo pa ng inyo kaya dito kita dinala sa bahay.” Iniabot niya sa akin ang isang tuwalya. “Wag ka mag-aalala,sa kwarto ako ni Mama natulog kaya safe ka diyan.”

“L-lianne...”

“Sus,okay lang sa akin na diyan ka natulog sa kwarto ko. Hindi ko nga alam bakit ka nag-inom kagabi eh,kahit si Jake hindi sinabi ang dahilan sa akin.”

“Salamat,Lianne ha?”

“Wala yun,oh pano,hinanda ko na yung paligo mo diyan. Maligo ka na at magbreakfast sa baba.”

“Sige. Susunod na ako.”

Nahiya naman ako sa bestfriend ko,ako pa yung inasikaso niya. Grabe,nakakahiya talaga ang ginawa ko,ano na lang ang sasabihin ni Tita kapag bumaba ako mamaya. ANG KAPAL NG MUKHA,MO BRYAN! Wag naman....brrrrrrr. K

Pumasok na ako sa banyo sa kwarto ni Lianne at naligo, nagbihis na rin ako pagkatapos at bumaba para kumain kasabay nila Tita at Lianne.

-LIANNE-

Ako yung babaeng kahapon eh nabastos, tapos ako din yung babaeng nasukahan ni Bryan kahapon. Eeeeewww! Ayokong sabihin yun sa kanya at baka hindi na siya lumapit sa akin dahil sa kahihiyan. Grabeng malas lang ang araw na yun para sa akin pero swerte din naman ako kagabi dahil nagkaroon ako ng chance na matingnan ang maamong mukha ni Bryan kahit ang dungis-dungis niya,wala pa rin siyang pinagbago...

“Hoy Lianne! Wala ka ng nagawa diyan.” Si Mama.

“Ay,’Ma. Sorry.”

“Good morning Tita. Good morning Lianne.”

Nahihiyang bati ni Bryan, bumaba na pala siya. Ang gwapo niyang tingnan sa bagong paligo-look niya. *O*

“Naku Bryan,wag ka ng uulit mag-inom. Ano bang pumasok sa kukote mong bata ka?” sermon ni Mama sa kanya.

“Pasensya na po,Tita. Naabala ko pa po kayo.”

“Hindi naman. Okay lang,eh ang gusto ko lang malaman,bakit ka naginom? Problema ba iyan?”

“Ganun na nga po,Tita.” Ang daldal ni Mama,may HO pa yang si Bryan eh,nagtatanong na agad.

“Problema saan?”

“Po? S-sa ano po…sa school po Tita. Alam niyo naman po,college eh.” Sus,ang aminin mo eh dahil kay Carlo. Dinadalaw ka ng konsyensya mo dahil hindi ikaw yung nagtanggol sa akin kundi ibang tao. Akala mo ha,ang daldal mo kapag nalalasing ka.

“Naku iho. Dahil lang sa problema sa school ay iinuman niyo na agad ng alak. Kayo talagang mga bata kayo,oo. Mabuti na lang at napuntahan ka ni Lianne doon sa bar na iyon.”

“Oo nga po Tita eh,laking pasalamat ko dito sa kaibigan kong ‘to.”

“Oh siya,kumain na muna tayo. Lianne,tara na!” tinawag na ako ni Mama kaya lumabas na rin ako mula sa kusina.

---

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na ang mga plato, nakita ko si Bryan na lumabas ng bahay nagstay sa may garden namin. Mukhang nagpapahangin pa siya dahil siguro may hangover pa at medyo nahihilo pa siya. Pagkatapos ko sa lahat ng gawain ko sa loob ng bahay ay lumabas din ako para samahan si Bryan sa garden.

“Bryan...”

“Oh, Lianne. Bakit?”

“Bakit ka pala nag-inom? Dahil ba kay Carlo?” hindi ko maiwasan tanungin siya tungkol sa bagay na yun.

“Sino nagsabi? Si Jake ba?”

“Oo.” Tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo niya sa bench sa may garden.

“Hahaha,g*g* talaga yung si Jake. Hindi no! Syempre hindi dahil kay Carlo.”

“Eh kanino?!” naconfuse ako sa sagot niyang iyon dahil kagabi habang lasing siya ay minumura mura niya si Carlo dahil sa ginawa nito sa akin.

“Sayo.”

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon