Chapter 45: [Consequences]

171 2 0
                                    

-BRYAN-

 

“You’re such a disgrace to our family!  Ano pa nga bang bago!” dinig kong bulyaw ng Lolo ni Marjorie sa kanya. Nakayuko lamang ito at tahimik na umiiyak,halos makusot na ang suot niyang palda sa sobrang pagkakahawak niya rito. Inaalo naman ito ng kanyang ina at kapatid ngunit hindi pa rin ito tumatahan sa pag-iyak.

Kasalukuyang nasa hospital kami dahil nasaksak ni Marjorie si Lianne at ang dinig kong sabi ng doctor ay malubha ang kalagayan nito. Gusto kong magalit kay Marjorie dahil bakit kailangan pa niyang saksakin si Lianne gayong wala itong kasalanan sa kanya. Ako ang may mali dito dahil ipinilit ko ang sarili ko kay Lianne. Ngayon ay nag-aagaw buhay siya. Bakit kailangang mangyari ito!? Bakit si Lianne pa!?

“Sino po dito ang kamag-anak ng pasyente?” tanong ng doctor na lumabas mula sa OR.

“Ako ho!” mabilis na tugon ni Tita Andrea. “Kamusta na po ang anak ko?”

“Natamaan ang thoracoepigastric veins niya at nagkaroon ng ilang internal bleeding,sa ngayon ay kinakailangan namin siyang masalinan ng dugo upang makasurvive. Hindi pa ganon ka-stable ang lagay niya,ipagdasal na lang natin na maging maayos ang lahat sa inyong anak.”

Internal bleeding? Maisurvive si Lianne?! Sana ako na lang ang sinaksak ni Marjorie!

SANA AKO NA LANG ANG NASA KONDISYON NIYA!

Hindi ko na pinansin ang matitigas na pader ng ospital at sunod sunod ko iyong pinagsusuntok. Pinipigilan na ako ni Tita Andrea dahil dumudugo na ang kamao ko. Halos hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi pwedeng mawala si Lianne sa akin,hindi pwede. Lalo na ngayon. HINDI!!!

“Kasalanan mo ‘to Marjorie! Sana ako na lang sinaksak mo! Sana ako na lang pinatay mo! Diba sa akin ka may problema? Sa akin mo dapat itinusok ang gunting! Sa akin at hindi kay Lianne!” galit at pasigaw kong sinabi kay Marjorie,halos duruin ko na siya sa sobrang galit ko.

“Hoy! Ang kapal ng mukha mo para ganyanin ang kapatid ko? Sino ka ba? Ex-boyfriend ka lang naman niya ah!”

“Wag kang sumabat dahil miski ikaw ay may nagawang kasalanan sa amin ni Lianne! Nakalimutan mo na ba ang mga pagpapakalat mo ng chismis tungkol sa aming dalawa! Ikaw gumawa nun diba? Kayo! Kayo ng kapatid mo!!!”

“BRYAN! Respeto lang naman sa ina ng dalawang babaeng pinagsasalitaan mo. Masakit din sa amin ang mga pangyayari. Pero sana naman,wag mo sa aming isisi ang lahat.” Sagot ni Tita Malou.

“Bryan,tayo na. Wag mo na lamang silang kausapin hijo para walang gulo.” Kalmang pag-awat sa akin ni Tita Andrea. Itinungo niya sa ako sa upuang malayo sa pamilya ni Marie.

“Tita, hindi po ba kayo nagagalit sa kanila? Sila ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa anak niyo.”

Umupo sa tabi ko si Tita Andrea at nagsalita, “Bryan,walang may kasalanan nito. Ang lahat ng ito, dala lamang ng emosyon niyo. Mga bata pa kayo Bryan, hindi niyo dapat dinadanas ang mga ganitong bagay. Ayokong magalit sa kanino man lalo na kay Marjorie pero galit ako sa kung anong nagawa niya. Kung isisi ko man yun sa kanya, hindi ko naman na mababawi ang nangyari. Ipagpasa-Diyos na lang natin ang lahat ng ito.”

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon