Chapter 9: [Christmas Eve]

1.1K 20 2
                                    

-BRYAN-

“Sir, Merry Christmas! Here’s your drink!” bati ng isang waitress sa isang coffee shop sa Korea.

Nag-nod lang ako sa kanya. Kagagaling ko lang sa Police Station para malaman kung may balita na ba sila sa katawan ni Marjorie pero bigo pa rin ako. Ilang araw na akong pabalik-balik doon at pare-pareho lang ang natatanggap kong balita. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nahuhuli ang mga hayop na magnanakaw na naghulog kay Marjorie sa may lawa. May posibilidad na malunod si Marjorie doon dahil malalim daw ito at hindi pa marunong lumangoy ang girlfriend ko.

“Hi Bryan De Leon, I love youuuuuuuuuuuu!” ♪ ♫ ♫ ♪ Nagulat ako ng biglang tumunog ang ringtone ko, record voice pa ni Marjorie yun. Lalo ko tuloy siyang gustong makita,namimiss ko na siya at sana buhay pa siya.

“Hello? Sino ‘to?” Hindi ko tiningnan ang pangalan ng tumawag kaya natanong ko na lang kung sino ito.

“Bryan,hindi ka pa ba uuwi? Si Lianne 'to.”

“Hindi na muna. Babalik pa ako sa police station, baka sakaling may balita na sila kay Marjorie.”

“Christmas Eve na mamaya eh,hindi ka pa rin ba uuwi man lang dito?”

“Lianne, magcecelebrate ka ng Christmas?” sarkastikong tanong ko sa kanya. Parang bigla akong nainis sa narinig ko, may gana pa siyang magcelebrate samantalang nawawala na nga si Marjorie.

“Bryan, I know hindi magandang tingnan na mag-celebrate tayo ng Christmas. Pero let’s celebrate it para at the same time maipagpray natin as Christmas wish na makita na natin si Marjorie. Bestfriend ko si Marjorie at nalulungkot pa din ako sa pagkawala niya. Saka I already talked to Tita Malou about sa nangyari, she’d gone mad pero ano pa daw ba magagawa niya, walang may gusto ng nangyari.”

“Buti ka pa kinakausap ni Tita.”  Humigop ako ng konti sa coffee na binili ko.

“Bakit? Hindi ka pa rin ba kinakausap ni Tita after what happened?”

“Nung sinubukan ko siya kausapin,pinatayan niya ako ng phone. Mukhang ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng anak niya.”

“I’m sorry. Please, Bryan? Can we fetch you there?”

“Sige. Daejeon Cafe.”

“Okay!”

Then I hang up, hinintay ko na lang na patayin ni Lianne ang phone niya. Nawawalan na ako ng gana simula ng malaman ko na may nangyari at nawawala na si Marjorie. Hindi ko alam kung buhay ko pa ring makikita si Marjorie, ayokong isipin na patay na siya dahil lalo lang akong mawawala ng pag-asa.

-PAULO-

“Paulo! Magpahinga ka muna,mamaya pa naman ang scene mo pagkatapos nito.” Payo sa akin ni Direk. Nanonood pa kasi ako ng kinukunan nilang scene ng mga kasamahan ko sa trabaho.

“Okay, Direk.”

Katatapos ko lang din ng 10th scene ko dito sa Daejeon. Medyo nangangalahati pa lang kami, 30 more scenes pa ang kailangan naming makunan bago matapos ang taping. Mukhang magtatagal pa kami sa Korea for 1 1/2 months, one week pa lang kami dito pero mukhang one month na.

“Oh, iho. Here’s your water!” sabay abot sa akin ni Tita Becky ng isang boteng tubig.

“Thank you, Tita.”

“How’s your week, iho? Nabalitaan kong tumakas ka daw sa isang scene? Nawala lang ako for 3 days,ganun na agad ang balita. What happen?”

Pinunasan ko muna ang labi ko bago ako nagsalita. “I met this weird girl sa may downtown ng Daejeon,she lived in an exclusive village there. And guess what Tita, she’s a disaster sadist silly girl!”

“Oh? Grabe naman yang description mo sa kanya? Tell me more about this girl.”

Ngumiti na lang ako,mukha tuloy naging interesado si Tita sa description ko sa babaeng yun, eh totoo naman talaga. Parang monster ang babaeng iyon dahil sa kasungitan at kung makapag-utos, parang chaperon niya ako.

“Nameet ko na siya before Tita sa isang Dept. Store sa Pilipinas, yun ang unang encounter ko sa kanya. Grabe, Tita. Para siyang old lady!”

“Kanina disaster, ngayon old lady? Ano ba ang babaeng ito,doble cara o triple cara?”

“Kasi ganito yun Tita,disaster siya kasi napahiya ako sa isang saleslady sa mall ni Lolo dahil sa kanya,yung about sa baby blue jacket,remember? Tapos old lady kasi nabangga ko siya one time dito nga sa may downtown ng Daejeon tapos kailangan ko pang palitan yung natapon niyang drinks at hindi lang yun Tita,ako pa ang pinagbuhat niya ng boxes ng drinks niya. At eto pa,Tita ha! Hindi niya ako kilala at mukhang hindi siya nanunuod ng TV sa bahay nila!? Tita, tell me…I’m one of the shining stars in the Philippines diba? Tapos hindi ako kilala ng isang college student na halos kalapit ko lang ng edad. How come diba Tita?!”

“HAHAHA. Funny story of you Paulo. You’re one of the heartthrob and shining actors in the Philippines and they should’ve know that!”

“Naman, Tita!” I smirk and admire myself infront of the make-up mirror kit of one of my ladies.

“Paano, Paulo? See you at the hotel, we will celebrate our Christmas there. Be there at 7pm!”

“Okay Tita.” Then Tita Becky, leave. At mukhang nag-enjoy siya sa pakikinig sa kwento ko about sa babaeng na-meet ko. Somehow,I feel sad…gusto ko pa rin kasing makita ang babaeng hinahanap ko sa Daejeon.

-LIANNE-

“How about this, Ate? Magma-macaroni salad ka ba mamaya?” I was pointing at the butter sa may chilled section ng grocery. Magba-buttered shrimp daw siya eh.

“Sige, kunin mo yan. Let’s go there, andun yung pastas.” Sumunod ako habang nililingon si Bryan sa likuran namin na kanina pa tahimik.

“Bryan, it’s okay. Overthinking is unhealthy. Makikita din natin si Marjorie but for this time, mag-enjoy ka muna.”

“I can’t Lianne, I know you are too.”

“Alam mo Bryan...” sabay na kaming naglalakad habang nakasunod kay Ate. “Marjorie is a brave girl, hindi siya nagpapatalo at lalong hindi siya umiiyak. Kung nalunod man siya,kakayanin niyang lumangoy para lang makasurvive siya. Hindi siya basta-basta susuko. Always think positive,okay?”

Nod lang ang isinagot sa akin ni Bryan, well okay lang. Alam ko yung nararamdaman niya dahil yun din ang nararamdaman ko ngayon. Nagpatuloy na lang kami ni Ate sa pamimili at pagkatapos ay mabilis na umuwi para makapaghanda ng aming kakainin.

- - -

10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1...

MERRY CHRISTMAS!

“Merry Christmas,Ate!” I kissed and hugged my Ate then gave her my gift. Bumili lang ako ng isang infinity necklace from a local jewelry store sa Korea,mahilig kasi si Ate sa mga necklace pero syempre dahil na din sa busy siya sa trabaho niya,nakakalimutan na niyang bumili ng mga paborito niya.

“Merry Christmas din, Lianne!”

“Merry Christmas,Bryan!” I hugged him. Ibinigay ko din yung binili kong gift para sa kanya. Nag-smile lang siya and yun lang. Ramdam ko pa rin ang lungkot niya sa pagkawala ni Marjorie.

“Bryan, magiging okay din ang lahat. Kumain na muna tayo tapos maglaro tayo ng games later!” Pagbasag ni Ate sa katahimikan ni Bryan.

“Sige, Ate Stef.” Sa wakas, narinig kong nagsalita din si Bryan.

Kumain na kami at ang daming pagkain! May salads, sushi,leche flan,spaghetti,sandwich and BBQ. Wow, kamusta naman kaya si Mama ngayon dun, paano kaya siya nagcecelebrate ng Pasko. Sana masaya sila ni Kuya Leo dun, tawagan ko nga si Mama mamaya.

“Tara na! Game time na!” sigaw ni Ate.

MERRY CHRISTMAS! 

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon