Chapter 43: [Revenge?]

239 4 0
                                    

-SOPHIA (Marjorie)-

“Sophia! Oh,I mean Marjorie,what brought you here?” bati sa akin ni Mama Laila. I’ve decided na pumunta sa opisina niya ngayong araw para makausap siya tungkol sa naiwanang kontrata ni Sophia Mercado.

“I’m here Tita to checked if pwede pa bang mag-artista si Sophia?” tumawa ako ng mahina sa sinabi kong iyon.

“Oh...sure iha! You’re always welcome here. Wait,check ko lang yung copy ng contract mo sa network.”

Ipagpapatuloy ko ang pagaartista ko,not  to be known as a shining star but to take revenge over Tita Laila and Paulo. Inagaw nila ang buhay ko sa loob ng ilang taon,pinaniwala sa mga kasinungalingan nila at pinaglaruan. Hindi ako makakapayag na palagpasin na lang ang bagay na ‘yon. Nung maalala ko na ako talaga si Marjorie at may naiwanan akong pamilya,pinalagpas ko iyon. Dahil hindi pa ganun kalinaw sa akin ang lahat,pero ngayon na naalala ko na at nalaman ko na  kung paano nila inagaw sa akin ang buhay ko hindi na ako makakapayag na ipagwalang bahala lang ang lahat. Hindi.

“Oh it’s here! Okay Sophia...wait,anong pwede kong itawag sa’yo from now on?”

“Stick Tita with what you have called me since before.”

“Okay,then Sophia here is your contract. Meron ka pang 2 years exclusive contract sa network and valid pa ito kung itutuloy mo. Pwede nating sabihin sa press na nagpahinga ka muna at nagkaroon ng ilang problema kaya hindi mo naipagpatuloy yung role na para sayo sana.”

“Good idea Tita. So kelan ako pwede magsimula ulit? What are the plans?” Good for my plan,siguro pagkatapos ng 2 years contract ko,naisagawa ko na ang mga plano ko kay Tita Laila and Paul. Baka nga wala pang a year eh.

“Too excited iha huh? Okay,magsisimula tayo with a presscon then after that kapag may offer na lumapit then we will catch it. Kelangan maibalik kita sa top ng makasabay ka kay Paul.”

---

“Yes Ma. I’m going home tonight. May aasikasuhin pa po kasi ako but I assure you I’ll be there at 7pm.” At saka ko ibinaba ang tawag ni Mama.

Katatapos lang ng briefing sa akin ni Tita Laila ng kanyang mga plano para sa career ko and I’m happy na nagwowork ang plano ko. Pagkatapos ni Tita Laila,si Paul naman ang isusunod ko,hindi ko rin palalagpasin ang pagpapaikot at pagpapasakit niya sa akin noon.

I dialled the number of Paul and seconds lang ang itinagal at sinagot niya rin ito.

“Hello?”

“Paul! It’s been a long time!”

“S-sophia?”

“Yes,it’s me. Where are you? Can we see each other tonight? I badly need to talk to you.”

“P-pero...”

“Please? Where are you ba para ako na lang pupunta diyan.”

“I’m sorry Sophia pero I’m at the airport right now. Pupunta ako ng Korea for a break and I need to see my girlfriend. Sorry.”

 “Damn.” Naibulong ko na lang sa sarili ko. Dapat pala ay inalam ko muna ang schedule niya bago ko siya tinawagan. Napahiya ako sa bagay na ‘yon.

“Oh,I see. So kelan kita pwedeng makausap?”

“For what ba Sophia? Hindi ko alam kung kelan pero hindi naman ako siguro matatagalan.”

“Okay. Let’s talk na lang kapag nasa Pilipinas ka na. Bye!”

Napatingin ako sa relo at nakita kong maaga pa for 7pm dinner sa bahay kaya minabuti ko munang ituloy ang mga plano ko for today. Kung hindi natuloy ang Plan B,aayusin ko na ang Plan C.

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon