Chapter 11: [Amnesia Girl]

1K 21 0
                                    

-LIANNE-

“Okay ka na Bryan?” tanong ko sa kanya pagkatapos niyang makatulog sa balikat ko habang umiiyak.

“Oo,okay na ako. Salamat Lianne ha?”

“Ano ka ba, para saan pa naging bestfriend mo ko kung hindi kita kayang damayan.” Tinapik ko siya sa balikat. “Paano? Magluluto muna ako ng tanghalian natin ha?”

“Oh, sige.” Palabas na ako ng kwarto ng biglang…

“Lianne?”

“Oh? May kailangan ka pa Bryan?” lumingon ako sa kinauupuan niya.

“Salamat talaga.”

“Naku,Mr. Bryan De Leon. Wala yun.”

Akala ko kung ano sasabihin niya,yun lang pala. Makababa na nga sa kwartong ito. “-___-

-MARJORIE-

“Nasaan ako?” Tanong ko sa isang matandang babae na nakatayo sa gilid ng kwartong iyon. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Sinubukan kong tumayo pero biglang sumakit ang ulo ko at napahawak na lang ako sa buhok ko na medyo basa pa at magulo.

“Ma'am,gising na po pala kayo. Teka lang po at tatawagin ko lang po si Sir.”

“Teka,sandali po!” Pero hindi na niya narinig ang pagtawag ko sa kanya. Bigla na lang kasi siyang lumabas sa kwartong iyon. Humiga na lang muna ako saglit para mawala yung sakit ng ulo ko.

“Gising ka na pala.” Isang matipunong lalaki ang humarap sa akin. Matangkad, maputi at mukhang artistahin ang kutis.

“Sino ka?”

“Ako si Paulo. Ikaw, anong pangalan mo?”

“Ako? Ako si...” Ugh,teka. Bakit walang pumapasok sa utak ko kung ano ang pangalan ko? 

“Ako si... Hindi ko alam. Wala akong alam. Sino ba ako?”

“Teka, Miss? May amnesia ka? Manang, tawagin niyo nga po si Dr. Lee.”

“Sige po, Sir.”

Ugh,bakit di ko maaalala? Amnesia? Ako,meron ako nun? Hindi ko alam. Wala akong matandaan,saan ba ako nanggaling? Bakit ako nandito sa bahay ng lalaking ito? Boyfriend ko ba siya o kaibigan? Isa ba siyang kaaway o kakampi? Ang gulo ng utak ko,sumasakit na naman ang ulo ko.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!”

-BRYAN-

“MARJORIE,WAG!!!!” sigaw ko ng makita ko si Marjorie na sumama sa isang lalaki na hindi ko maaninag ang mukha.

“Bryan? Anong nangyari sayo?” Tanong ni Lianne habang naglilinis ito ng kwarto. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako matapos kong umiyak kanina sa balikat ng kaibigan ko.

“Ha? Napaginipan ko si Marjorie. Iniwan daw niya ako at sumama siya sa ibang lalaki.”

“Ano? Sira ka talaga Bryan, hindi magagawa ng bestfriend ko yun noh? Mahal na mahal ka nun eh.”

“Pero parang totoo, buhay pa si Marjorie, Lianne. Buhay pa siya.”

“Oo naman, Bryan. Buhay pa siya at nawawala lang siya pero makikita din natin siya. Hindi tayo aalis ng Korea hangga’t di siya kasama.”

Tumayo ako sa pagkakahiga ko, inayos ang buhok ko sa salamin at saka ako bumaba ng kwartong iyon.

“Teka,Bryan! Saan ka pupunta?”

“Sa Police Station! May kutob ako baka may alam na sila!”

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay ni Ate Stef at dali-daling sumakay ng cab papunta sa police station. Malakas ang kutob ko na alam na nila kung nasaan si Marjorie. At hindi nga ako nagkakamali...

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon