Chapter 44: [Heartbreaking]

247 7 1
                                    

-SOPHIA (Marjorie)-

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako,mukhang madaling araw na ako nakatulog. Saan nga ba ako nanggaling kagabi? Ah,oo. Kasama ko pala ang mga naging kaibigan ko habang ako pa si Sophia.

“Anak,gising ka na ba?” tanong ni Mama habang kumakatok ito sa pinto ko.

“Pasok Ma.” nag-inat ako sandali habang nakahiga at dahang sumandal sa kama ko.

“Mabuti naman anak at gising ka na,may family lunch kasi tayo ngayon kasama ng ilang mga kaibigan ko. Gusto ko sanang isama ka para naman makita ka na nila.” Lumapit si Mama sa kama ko at naupo doon.

“Mama? Diba ayoko pa pong magpaki..”

“Pero anak,nandun ang lolo’t lola mo,nasabi ko na sa kanila na buhay na buhay ka. Alam mo bang isa sila sa mga nalungkot ng malamang nawala ka at inakala naming patay ka na?”

“Pero Ma...”

“Sige na anak,for your mommy and our family.” At saka mabilis na umalis si Mama sa kwarto ko. Anong gagawin ko? Sigurado akong nandun si Tita Andrea dahil isa ito sa mga naging malapit na kaibigan ni Mama. At...at baka nandoon din si Lianne. Hindi. Hindi nila pwedeng malaman na buhay na ako. Dapat si Sophia pa rin ang makilala nila at hindi ako.

~

“Marjorie, hija!” bati sa akin ni Lola sabay yakap nito sa akin ng mahigpit. “Ang tagal mong nawala hija,akala ko talagang uunahan mo pa ako.”

“Lola naman! Anong unahan ang sinasabi niyo diyan? Syempre hindi naman ako papayag sa bagay na ‘yan.”

“Ah hija! Sobrang namiss talaga kita. Oh Mario? Hindi mo ba yayakapin ang apo mo?” tawag ni Lola kay Lolo. Ngumiti lang si Lolo,mukhang busy ito sa pakikipag-usap sa Tito ko. Hindi na bago sa akin ang tagpong iyon,kailanman ay hindi ko pa nayakap si Lolo o maski ang makausap siya ng masinsinan. Siguro dahil hindi niya pa rin tanggap na ako ang naging dahilan kung bakit naghiwalay si Mama at Papa.

“Uh...hija,sanay ka na naman siguro sa Lolo mo. Tayo na sa loob at ihahanda na ang mga pagkain.” Sumunod ako kay Lola sa pagpasok sa dining area ng bahay nila. Nakita ko doon na halos kumpleto na ang buong pamilya at ilan sa mga kaibigan ni Mama ay nandoon na. Iniisa isa ko sila at hindi ko napansin si Tita Andrea na nandoon,napabuntung-hininga na lang ako. Mabuti na lang at wala si Tita,maging si Lianne.

“Anak,maiwan ko muna kayo dito ni Clau at may susunduin lamang ako sa labas.” Susunduin?

“Teka Ma!---“

“Oh,Andy! Sinasabi ko na nga ba at hindi mo ko matitiis eh. Kahit alam kong mayroong gusot sa pagitan natin dahil sa mga anak natin,hindi mo pa rin ako binigo.” Nakita kong yakap-yakap ni Mama...walang iba kung hindi si Tita Andrea! Naalarma ako bigla at hindi ko na alam kung anong ikikilos ko...ano ba Marjorie!

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon