Chapter 41: [This will be the end?]

344 6 0
                                    

-SOPHIA-

“Kamusta ang pakiramdam mo Sophia?” tanong sa akin ni Mama Laila ng mga oras na ‘yon. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko siya sinagot,parang may kumurot sa puso ko na kung ano matapos kong marinig sa kanya ang pangalang ginamit ko sa loob ng ilang taon.

Oo,may ilan na akong naaalala tungkol sa nakaraan ko at isa na dun ay hindi ako si Sophia Mercado dahil ako si Marjorie Santiago. Hindi rin ako isang sikat na artista,isa lamang akong simpleng estudyante sa isang Unibersidad na hindi pa malinaw sa akin kung saan.

“Sophia,are you okay?” pangungulit ni Mama Laila,siguro ay napansin niya ang hindi ko pagkibo sa kanya.

“Yes,Mama Laila. I’m okay.”

Napa-buntunghininga ito at ngumiti, “Then good iha,I’m here for a good news. Nag-offer ang isang TV station sa inyo ni Paul ng opportunity,pwede kayong pagsamahin sa isang movie na ipoproduce nila.”

“Paul? Teka Tita,sinong Paul?” pilit kong inaalala kung sinong Paul ang tinutukoy ni Mama Laila. Wala akong maalalang ganung pangalan.

“Ha? Iha,si Paul Reyes! Yung dati kong alaga na umalis na sa management ko. Hindi mo ba siya matandaan?”

“Hindi po.”

Halata sa mukha ni Mama Laila ang pagkagulat sa narinig niya at hindi ko alam kung bakit. Wala naman kasi talaga akong maalala na Paul na nagexist sa buhay ko. Sino ba siya?

---

“Tulad nga ng sinasabi ko sa inyo ni Paul noon pa,hindi completely ang pagbalik ng ala-ala ni Sophia. Pero habang nasa recovery process ang ala-ala niya,may chances na ang mga present memories niya ay mawala. Tulad ngayon na hindi niya makilala si Paul.” Saad ng isang doctor na tumingin sa akin. Matapos kasi ng tagpo kanina sa condo ko between me and Tita Laila ay walang anu-ano’t dinala niya ako kay Dr. Ramos.

“It means...wait.” hinawakan ako ni Mama Laila sa magkabilang braso at saka ito nagsalita, “Naaalala mo na ba kung sino ka at anong pagkatao mo Sophia?”

“Yes Tita. Hindi naman talaga ako si Sophia eh,ako si Marjorie & hindi talaga ako actress dahil estudyante pa lang ako.”

“Oh no! This can’t be!”

“Why Tita?” napakamot na lang ako sa ulo sa inusal na iyon ni Tita Laila. What’s wrong kung hindi ako isang artista?

“Then you remembered what happen to you in Korea?”

“No.” At saka lamang lumiwanag ang mukha ni Tita Laila.

-CLAU-

“Ma,where are we going?” tanong ko kay Mama habang nasa daan kami at nagdadrive siya ng sasakyan. Bigla na lamang niya kasi akong niyayang lumabas ng condo ko at makikipagkita daw kami sa isang importanteng tao ngayong araw na ‘to.

“Relax. I know magugustuhan mo ang makikita mo ngayon lalo na matagal mo na siyang hinahanap.” Nahiwagahan naman ako sa sinabi ni Mama. Sino ang sinasabi niya? It can’t be my Ate because kararating lang ni Mama,nahanap na niya agad ito samantalang ako,years ang sinakripisyo and I haven’t seen my Ate since then.

Tumahimik na lang ako matapos iyong sabihin ni Mama,isinaksak ko sa tenga ko ang earphones ko at saka ako nakinig ng music. Medyo old songs na kasi ang pinapakinggan ni Mama sa car radio niya. Walang pang 30 minutes ay nakarating kami kaagad sa isang mataas na building and I bet parang studio siya ng isang TV station?!

Ipinark ni Mama ang sasakyan sa labas ng building at bumaba,sumunod naman ako sa kanya. And to my curiosity,nagtanong ulit ako sa kanya.

“Ma,anong ginagawa natin dito?”

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon