Chapter 10: [The Past]

1K 19 0
                                    

-MALOU-(Mother of Marjorie)

“Sorry,Ma'am pero wala pa rin po kaming lead mula sa Korean police tungkol sa katawan ng inyong anak.”

“Ganun ba? Kapag may balita na kayo,balitaan niyo kami kaagad ha?”

“Opo,Ma’am.”

“Sige,salamat.”

Kahit kailan talaga ang Pilipinas, matagal magpatakbo ng kaso palibhasa mga pulis patola. Ano na kayang nangyayari kila Bryan at Lianne sa Korea sa paghahanap nila sa katawan ng anak ko. Sana naman ay buhay pa si Marjorie,nag-aalala na ako sa kalagayan ng anak ko. Dapat hindi ko na lang siya pinasama kung ganito lang din pala ang mangyayari sa kanya. Sobrang pinagsisisihan kong pinayagan ko siya na lumabas ng bansa ng mag-isa. Wala akong dapat sisihin dito dahil walang may gusto ng nangyari sa anak ko.

“Ano,Malou? Are you okay? May lead na ba daw sila?” salubong sa akin ni Andrea.

“Wala, Andrea.” Unti-unti ng tumutulo ang luha ko.

“Ssssshhhh...wag ka ng umiyak. Magpakatatag ka,kailangan mong lakasan ang loob mo kahit na anong mangyare. Hayaan mo at tatawagan ko si Lianne sa Korea,baka may lead na ang mga police dun.”

“Salamat, Andy. Kahit kailan hindi mo ko iniiwan.” Nagpunas ako ng luha ko.

“Ano ka ba, we’re bestfriends. Hindi kita pababayaan, kahit kailan.” Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Kaya mahal na mahal ko ito eh kasi since highschool at simula ng mamatay ang parents ko,wala akong ibang kaagapay kundi siya lang.

-LIANNE-

“Wala pa rin silang lead, Ate? Ano ba yun?! Dinaig pa nila ang mga pulis sa Pilipinas.”

“Calm down, Lianne. Sige, pag-uwi ko diyan, pupunta tayo ng police station. Nasaan nga pala si Bryan?”

“Ayun, Ate. Nasa taas, nagsesenti na naman. Hindi ko nga alam ano ng gagawin sa lalaking iyon eh.”

“Pabayaan mo muna,hindi madali para sa kanya ang lahat. Lalaki yan eh at boyfriend ni Marjorie,sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala nito. Mabuti pa wag mo muna siyang kausapin. Paano? Balik trabaho na ako ha?”

“Sige, Ate. Mag-iingat ka diyan. Bye!”

Pinatay ko na ang cellphone ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ate. Bumalik na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko, one week and half na rin kami nandito sa Korea at sa one week na yun,palagay ko hindi namin na-enjoy ang buong Korea trip naming sa simula pa lang. Next week ay uuwi na kami ni Bryan sa Pilipinas, pero feeling ko mukhang hindi pa papayag si Bryan na umuwi dahil matiyaga pa rin itong naghihintay tungkol sa balita kay Marjorie. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin namin siya nakikita. Namimiss ko na ang bestfriend ko :’(

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon