Chapter 23: [Dinner date]

861 15 1
                                    

-PAULO-

“Oh iho,nandito ka na pala.” bati sa akin ni Manang pagdating ko pa lang sa bahay. Halata sa mukha ni Manang ang pag-aalala, may nangyari kayang hindi maganda?!

“Opo,may problema po ba?”

“Ah,ano kasi iho...si Sophia...”

“Ano pong nangyari kay Sophia?” tanong ko pero walang kahit anong pag-aalala ang naramdaman ko para sa babaeng ‘yon.

“Kinausap siya kanina ni Ma’am Laila at pinapalipat siya sa isang condo sa Quezon City.” Hindi na ako nagtaka sa sinabing iyon ni Manang. Mukhang alagang-alaga nga ni Mama si Sophia at maganda iyon para sa kanyang career.

“Edi kung ganun,maganda iyon para sa kanya. At mas mabuti na rin ‘yon dahil mababawasan tayo ng tao dito,darating na din kasi sila Mommy next month kaya mabuti na din ‘yon.” Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ni Manang. Nabawasan ako ng poproblemahin, mawawala na rin sa landas ko ang Sophia na ‘yon lalo na ngayon na bumalik na si Joy sa buhay ko.

“Hindi ka ba nag-aalala para kay Sophia? Hindi pa niya naaalala ang lahat tapos lilipat na agad siya sa isang condo na wala siyang kasama?”

“Manang,hindi na po natin problema ‘yon. Problema na po iyon ni Mama Laila kung paano niya panghahawakan si Sophia sa ganung sitwasyon niya.”

“Sabagay. Oo nga pala, nakahanda na ang pagkain mo gusto mo bang ipaghain na kita?”

“Ah, itabi niyo na lang po muna yan para kay Sophia. May kasabay po akong kumain ngayon sa labas eh.” Malaki ang ngiting ipinakita ko kay Manang.

“Mukhang masaya ka yata ngayon ah?! May nangyari bang maganda iho?!”

“Opo naman. Naaalala niyo pa po ba si Joy? Yung girlfriend ko nung college ako? Bumalik na po siya galing Korea! Magdidinner kami mamaya.”

“Naku iho! Masaya ako para sayo,sinabi ko na sayo noon pa diba? Kung mahal ka talaga niya, babalik at babalik siya para sayo. Tama lang ang ginawa mo at nanatili kang tahimik sa buhay pag-ibig mo. Tingnan mo naman ngayon?!”

 Tama si Manang,matagal ko ng hinihintay na balikan akong muli ni Joy at nangyari na nga ang pinakahihintay ko. Wala akong ibang inusal sa panalangin ko araw-araw kundi ang pagbabalik ni Joy sa buhay ko. Siya lang talaga ang babaeng minahal ko ng ganito, wala ng iba.

-STEF-

Matapos akong ihatid ni Evan mula sa mall pauwi sa amin ay nakaramdam ako ng kasiyahan sa aking puso. Yung pakiramdam na may kinahantungan ang pagbabalik ko sa bansang pinag-iwanan ko kay Evan. Alam ko naman na magiging magulo ang lahat ngayon dahil nga sa career niya kaya itatago muna namin ang relasyon namin sa kanyang mga taga-hanga.

Pinagbuksan ako ng gate ni Mama na nakangiti sa akin, “Mukhang masaya yata ang anak ko ah?”

Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ni Mama, “Hindi naman po masyado, Mama.”

“Kamusta ang naging lakad mo ngayon? Saan ka ba nagpunta? Nagtatampo ang kapatid mo sayo at hindi ka nakasama sa lakad niyo dapat.”

“Hayaan niyo,Ma kakausapin ko na lang po si Lianne mamaya pag-uwi ko. May lakad pa po kasi ako maya-maya eh,pasensya na Mama ha? Importante lang kasi,hayaan niyo po at babawi ako sa inyo nila Lianne at Kuya Leo.”

“Okay lang yun iha,naiintindihan ka naman namin eh.”

“Salamat po,Ma.” At humalik ako sa pisngi ni Mama saka ako umakyat sa kwarto namin ni Lianne para makapagbihis at makapaghanda na para mamaya sa magiging dinner date namin ni Paulo.

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon