Chapter 21: [The Big Announcement!]

996 22 3
                                    

-PAULO-

“Sir Paul,si Ma'am Laila po on the phone.” Iniabot sa akin ni Ate Jaya, personal assistant ko yung public phone ko. Kasalukuyan kasi akong nasa taping ng isang talk show at inimbitahan ako bilang guest nila,hindi nakasama sa akin si Mama Laila dahil inaasikaso niya ang programa para sa pagpapakilala sa bago niyang alaga.

“Thank you po,Ate.”

On the Phone

“Hello Mama Laila? Bakit napatawag po kayo?” tanong ko.

“Ah iho,itatanong ko lang sana kung anong oras ang tapos ng taping mo diyan. Para sana makasunod ka dito sa pagpapakilala ko kay Sophia.”

“Hindi ko po alam,hindi pa po kasi nagsisimula yung taping,nag-aayos pa po sila ng set. Mukhang napa-aga po yata kami ni Ate Jaya dito eh.”

“Ganun ba? Gusto ko sana nandito ka para marinig mo yung importanteng announcement na sasabihin ko mamayang gabi.”

“Ah sige po Mama Laila,kapag po natapos ito ng maaga susunod po ako agad diyan.” Kahit ayoko naman talagang sumunod doon,ayokong makisawsaw sa magiging career ng Sophia na yun eh. Mamaya kapag nakaalala yun sa nakaraan niya,madamay pa ako.

“Sige iho,aasahan kita mamaya ha?”

“Sige po Mama.”

End

Sigurado ako na hindi si Mama Laila ang gustong magpapunta sa akin doon,may kutob ako na sinabihan ito ni Sophia na papuntahin ako. Ang babae talagang yon! Parang linta talaga. Kahit naman hindi niya sabihin sa akin, halatang may gusto siya sa akin sa mga ikinikilos pa lang niya eh. Hindi naman ako naaasar sa mga ganung babae pero pagdating sa kanya,parang gusto kong maglaho na parang bula para lang maiwasan siya. Hindi ko alam bakit.

---

“CUT ! Pack-up na tayo guys. Good job!” pagtatapos ng director ng talkshow na yun.

Nilapitan ako ng isa sa mga host at nakipagkamay sa akin,sinundan na rin ako ni Ate Jaya para iabot ang damit na susuotin ko pagpunta sa party ni Sophia. Didiretso na kasi kami doon para hindi kami ma-traffic sa daan.

-STEF-

“Yes,Ma. Mamaya na po ang flight ko, mga 6pm po siguro mamaya nasa airport na po ako diyan sa Pilipinas.” Tumawag ako ngayon kay Mama para ibalita ang pagbabalik ko sa Pilipinas. Nagfile kasi ako ng one month vacation leave sa boss ko at pinayagan naman ako tutal summer break na naman ng mga estudyante doon.

“Naku anak! Matutuwa ang mga kapatid mo nito,ilang taon ka na ring hindi nauuwi dito. Susunduin ka namin mamaya,nandun kaming lahat.”

“Sige po Ma! Kahit ako rin po ay excited ng umuwi para makita kayong lahat diyan. It’s been 6 years nung huli akong magbakasyon diyan. ”

“Oo nga anak,magpahinga ka na pala at mamaya ay mahaba-habang biyahe ang gagawin mo. Tawagan mo na lang kami kapag paalis ka na diyan.”

“Sige,Ma. Bye, see you later!”

Ibinaba ko na ang phone ko at bumalik sa pag-iimpake ng mga gamit ko. Sa wakas,makakauwi na rin ako after 6 years of staying here in Korea. Grabe,siguro ang laki na ng pinagbago ng Pilipinas at ng ibang lugar doon. Kamusta na kaya sila Lianne at Bryan matapos ang kanilang pagbabakasyon dito,sana okay ang lahat doon.

“Ready ka na Stephanie?” si Cheska ang maghahatid sa akin sa airport. Sa isang hotel muna ako tutuloy bago ako dumiretso sa airport, kasama iyon sa papers na pinirmahan ko. Kailangan kong umalis ng bahay four hours before my flight para mabilis ang pagpunta ng airport. Kung mula kasi dito sa Daejeon papunta sa main airport ng Korea ay matatagalan ako sa pagbiyahe.

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon