"Ken, sandali lang!" sigaw ni Cheska pero hindi siya nito nilingon.

"Tapos na tayo," sabi ni Kenneth habang naglalakad palayo.

"Ano? Kenneth!" hindi ito lumingon at nagpatuloy sa paglalakad habang naiwan si Cheska sa tapat ng bahay namin na umiiyak.

Pupuntahan ko sana si Cheska pero sabi ni Cee siya na raw ang kakausap kaya hinayaan ko na. Pumasok na lang ako sa bahay at naupo sa isang sulok na walang makakapansin sa akin.

"What is that disturbance in our humble abode?" sabi ni Belle nang walang hingahan. Ano raw?

"Ano, anak? Nose bleed naman ako sa sinabi mo!" sabi ni Mommy Isay habang tumatawa na hindi ko maintindihan sa narinig niya mula sa kapatid kong pinaglihi yata sa encyclopedia at dictionary.

"Mommy, sabi ko, what is happening?" 'yon lang pala tapos ang dami niyang sinabi? Kaloka talaga ang bata na 'to.

"D'yos ko, 'yon lang pala, akala ko'y nasapian ka na ni Senator Miriam," natatawang sabi ni Mommy at kahit ako ay natawa na rin sa naririnig kong usapan nila.

"Mommy naman, e!"

"Anak naman kasi kapag nandito ka sa bahay, puwede ba na 'yong pang-normal na tao ang salita mo?" mamatay ako sa pagpipigil ng tawa sa sinabi ni Mommy. Para na rin niyang sinampal si Belle sa sinabi niya. E ano naman kayang isasagot ni Belle? Nakalimutan ko na tuloy 'yong drama na nangyari kanina dahil sa kanila. Ang kukulit!

"Mommy, you mean, I'm out of the acceptable standard of the society?" ano raw? lalo siyang nagmumukhang alien sa paningin ko. Si Mommy kasi e! Pinakain pa ng dictionary no'ng bata pa, 'yan tuloy ang nangyari.

"Daddy mo na lang kausapin mo, nose bleed na ko, later, Belle, my dear!" nagmartsa siya palayo sa kapatid ko at narinig pala ni Nika ang usapan kaya naman pangiti-ngiti siyang bumulong kay Mommy na narinig ko rin dahil malapit lang ako sa kanila.

"Mommy, sabi ko kasi sa'yo dapat lagi kang may dalang dictionary 'pag 'yan ang kausap mo!" tumawa ba naman nang pagkalakas-lakas 'yong dalawa na akala mo ay nababaliw na.

"Oo nga! tara na nga lang do'n, magvi-videoke," sabi naman ni Mommy Isay kay Nika at lumakad na nga sila.

Wow, what a birthday! Hindi ko naman hiniling na magkaroon ng mala-teleseryeng eksena sa gabi ng birthday ko, ano'ng nangyari?

"Anak, ano'ng nangyari?" medyo nagulat ako nang lapitan ako ni Mommy. Inulit kasi niya 'yong naiisip ko kaya ang wirdo tuloy.

"Ah, mommy, ano kasi... nagkaroon lang ng misunderstanding," sinabi ko ang totoo na halos wala naman talaga akong sinabi na detalye.

"Ah, okay ka lang ba?" nag-aalala lang din siguro siya sa akin.

"Oo naman, Mee, pag-uusapan lang 'yon, 'wag ka nang mag-alala,"

"Ah, okay, sabi mo e, happy birthday, Joan," sabi niya at hinalikan pa ako sa pisngi.

"Thank you, Mommy! Thank you sa lahat,"

Maya-maya ay 'di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Cee.

"Tita, puwede po bang isama ko lang si Mojow, madali lang po?" biglang tanong ni Cee kay Mommy.

"Na-iintriga ako sa Mojow na tawag mo na 'yan, ha?" curious siya pero nakangiti sa kaibigan ko.

"Ay, naku, Mee, mahabang kuwento, baliw kasi 'yan," panunukso ko.

"Tita, cartoon po 'yon," simula niya sa pagpapaliwanag tapos tumawa ba naman nang malakas.

"Tse! Tama na 'yan, tara na, ay, teka pala! Saan tayo pupunta?" sasama agad? Hindi pa alam ang destinasyon? Kaloka!

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Ano'ng sagot 'yon? Ang baliw rin talaga ng isa na 'to.

"Sige, mabilis lang talaga, ha? Baka hanapin kasi siya ng mga bisita," pumayag din si Mommy.

"Thank you, tita, tara!" pagyayaya ni Cee sa akin.

"Sige, Mee, pasabi na lang kay Daddy," sabi ko.

Lumakad na kami palabas ng bahay papunta sa sasakyan niya.

"At kelan pa naging sagot ang ngiti, ha?" tanong ko at ngumiti na naman siya. 

"'Wag ka na kasing marami pang tanong," binuksan niya 'yong mga pintuan ng kotse gamit ang maliit na remote.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko dahil curious ako.

"Ah, basta!" sabi niya.

Sumakay kami sa kotse niya. Hindi muna ako nagsalita at tiningnan muna kung saan kami pupunta. Matagal din ang biyahe, Teka...

"Hoy! Saan ba talaga tayo pu-" tanong ko tapos naputol.

"Mojow, chill," sabi niya habang nagmamaneho.

"Chill naman, ah!" nang makalipas ang ilang minuto ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Mataas ang gate at may balcony pa.

"Nasaan tayo? Kaninong bahay ito?" tanong ko.

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now