"Bakit mo nagawa sa akin 'to? Ha? Bakit ka nagsinungaling sa akin?" Lumabas kami ni Cee pero tahimik lang para hindi sila ma-istorbo. Hawak niya ang nobya sa magkabilang braso at mahinahon na ang boses ngayon.
Matapos niyang sabihin 'yon ay naupo si Kenneth katabi ni Cheska sa gater at nakapuwesto na ang baba niya sa tuhod.
"Hindi ko naman maiisip na gawin 'to kundi dahil sa Joan na 'yan! Para tigilan ka na niya!" Kumirot ang puso ko sa narinig, so, ako pala talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito? Unconsciously, napatingin ako kay Cee.
"Oy! 'Wag mong sisisihin ang sarili mo sa mga nangyayari. Choice ni Cheska ang gumawa ng kuwento. Maaaring isa ka sa mga dahilan pero nasa kamay pa rin niya ang desisyon," bulong sa akin ni Cee. Ako tuloy ang nako-konsensiya ngayon sa nangyayari. Panahon na talaga na binitiwan ko si Kenneth.
"Pero-" pinutol ni Cee ang sasabihin ko.
"'Wag ka nang umapela, wala kang ginagawang masama dahil sadyang selosa 'yang kapatid ko," sabi niya.
Wala nga ba akong kasalanan sa nangyayari? Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit ako nasa komplikadong sitwasyon samantalang ang simple lang naman ng gusto ko; ang maging masaya. Bakit hindi ko 'yon makuha?
"Alam mo naman na kaibigan ko lang siya, 'di ba? Oldest friend ko si Joan," sabi ni Kenneth sa kanya.
"Ex mo 'yon Kenneth! Ex, hindi basta best friend, hindi basta kaibigan mo, minahal mo siya noon at mahal ka pa rin niya hanggang ngayon. Hindi ako tanga para hindi mapansin na mahal ka pa rin niya, Ken," tumaas na naman ang boses ni Cheska.
Sabit talaga ako sa gulong ito. Ang laki ng kasalanan ko. Hayaan mo, Cheska, kahit mahirap ay bibitiwan ko na siya para sa'yo at para na rin sa sarili ko. Hindi rin ako magiging masaya kung nangyayari ito sa dating dalawa.
"Pero, mahal kita, alam mo naman 'yon, 'di ba? Tapos na kami ni Joan, ano pa ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka?"
"Gusto ko lang na tumigil na siya," alam ko ang maling ginawa ko. Inaamin kong mali na buhay pa rin ang friendship namin ni Ken kahit malaki ang problema ni Cheska sa bagay na 'yon. Ako na dapat ang mismong lumayo. Napakatanga ko talaga!
"Nag-usap na kami at magkaibigan na lang talaga kami... hindi mo ba kayang paniwalaan 'yon?"
"Hindi ko alam, ewan ko kung paano maniniwala. The way na tingnan ka niya, alam ko ang tingin na 'yon dahil gano'n din ako tumingin sa'yo, Ken,"
"Sige, may kasalanan ako, dapat lumayo na ako sa kanya pero ang sakit Cheska, hindi mo naman kailangang mag-imbento ng kuwento na tulad nito. Napaniwala mo kaming lahat at alalang-alala kami, hindi mo ba naisip 'yon?" tumulo na nga ang mga luha ni Ken. Naawa ako sa kanya dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. May kasalanan din talaga ako! Kailangan ko na talagang lumayo bago pa sila tuluyang masira.
"Hindi ko naman gustong saktan ka, Kenneth," at tuluyan na ring bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ni Cheska. Yayakapin na dapat niya si Ken pero hindi niya ito tinanggap.
"Pero, ginawa mo pa rin," sabi nito at nagbadyang tumalikod.
"Balak ko rin naman talagang sabihin sa'yo," nakatingin pa rin kay Ken na kasalukuyang nakatalikod sa kanya.
"Huli na ang lahat,"
"Sorry,"
"Hindi pa kita kayang patawarin ngayon,"
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Cheska.
"Kung saan hindi mo ako masusundan!" sigaw niya sa nobya tapos umalis na.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 11
Start from the beginning
