EPILOGUE (part 2) THE FINALE

175 7 0
                                    

EPILOGUE: PROPOSAL and WEDDING

YSSAH’S POV

“Yssah bilisan mo naman. Ang bagal mo masyado!”

“Teka lang, ha. Ikaw ang nagpumilit sa akin na sumama ako sa’yo tapos pinagmamadali mo pa ko.”

“Baka wala na tayong mapwestuhan!” Himutok sa akin ni Lauren.

Tingnan mo ‘tong babaeng ‘to. Siya na nga ‘tong pumunta dito sa opisina ko para pilitin akong sumama sa kaniya tapos pinagmamadali niya pa ako. Anong araw ba ngayon? MONDAY! MONDAY tapos bigla siyang susulpot dito at niyayaya akong sumama sa kaniya hindi ba niya alam na ang dami kong trabahong dapat unahin?! Ano ba naman ‘tong babaeng ‘to, wala ba siyang trabaho? Tsk.

“Yssah! Sinabi ko ng wag mo ng tapusin ‘yan!” tukoy niya sa document na hawak ko. Hinila niya pa ‘yon bigla kaya nagulat ako.

“Baka mapunit!” sigaw ko. Bigla na lang kasi niyang hinila eh. Importante ang documants na ‘yon dahil nandoon ang mga finances ng Luce Della Mia Vita.

“Tss. ITong mga ‘to…” inangat niya ang papel na hinila niya sa akin. “…anong mangyayari kapag pinunit ko ‘to?” oh no. she’s not doing that. She can’t be serious. “Just the count of three, Yssah. One… two… th—“

“Fine! FINE!” tumayo na ako at sinubukang hilahin sa akniya ang papers mabuti na lang di napunit. Inayos ko na ang gamit ko para mamaya alam ko na kung ano ang uunahin ko. Nag ayos na din ako ng sarili para di naman ako magmukhang haggard.

Lumabas na kami ni Lauren ng opisina. Nagbilin na din ako kay Joyce ng mga dapat niyang gawin at i-follow-up.  Mabuti na lang marunong sa madaming bagay si Joyce kaya di na ako nahihirapan kapag wala ako sa opisina.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. Syempre ako ang mag da-drive ng kotse ko, delikado si Lauren magdrive kapag nagmamadali mahal ko pa ang buhay ko.

“MOA.”

“MOA?! Anong gagawin natin do’n?” Wala naman kasing masyadong magagawa sa MOA kundi mamasyal ng mamasyal. Naka heels pa ako!

“Dadating ang ibang international models ng Bench para irampa ang bagong collections nila. Kailangan kong makita ‘yon! Hindi ko naman pwedeng isama si Diane dahil kailangan siya ng baby niya, bawal din naman si Jessa dahil busy sa bagong project.” WHAT?!

As in umikot ang mata ko dahil sa narinig ko. Sila di niya inabala dahil busy samantalang ako na mass busy di niya pina angal?!

Si Diane kasi nanganak na last March, September na ngayon oh. Baby boy ang una at baby girl ang pangalawa, sina Seven at si Teen, yes, kambal sila. May lahi pala kasing kambal sina Jayden, may kapatid siyang kambal na babae na mas panganay sa kaniya at ganun din ang mommy niya.

Si Jessa naman event organizer at tulad ng sinabi ni Lauren may bagong project. Kakaiba pa naman ang babaeng ‘yon kapag may mga ino-organize na event, kahit yung tipong konti lang ang budget ng kliyente niya pero dinaig pa ang libo-libo ang binayad kung makikita mo ang kabuuan ng event. Maganda kasi eh tsaka maayos talaga.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now