Chapter 76

119 6 0
                                    

Second chapter for today :)

(2/3)

---

Chapter 76

"Anong gagawin mo naman sa buy one take one kung hindi mo naman lulutuin? Mag aaksaya lang tayo ng pera." sabi ko kay Ryan. Tinanggal ko sa cart ang kinuha niyang buy one take one na misua at ibinalik sa shelf kung saan iyon kinuha kanina.

"Mas okay ang buy one take one. Mas makakamura tayo!" ulit nanaman sa akin Ryan. "..Wag mo nga akong pinakikialaman. Ako ang magluluto naiintindihan mo?" pinanlakihan pa niya ako ng mata.

"Aba! Porket wala si Patrick ganiyan ang inaasta mo sa akin."

"I told you I won't give you any special treatment. This is who I am deal with it." umirap pa siya at naglakad na habang tulak tulak ang cart na kung anu-ano ang laman.

Teka, nasaan ba kami? Nandito lang naman kami sa super market para mag grocery wala na kasing stock sa bahay, wala ng pwedeng makain dahil hindi ko naman akalaing hobby pala talaga ni Ryan ang pagluluto at halos ginawang cooking class ang buong kusina namin.

Tinuruan niya ako magluto at mag bake lalo na kapag wala si Patrick dahil palaging busy sa pagtulong kay tito Ian (daddy ni Patrick) sa negosyo nila. Hanga naman ako sa pagtuturo ni Ryan dahil may natandaan talaga ako. Aba, tinandaan ko talaga para naman worth it ang pasa at pasong natanggap ko mula kay Ryan. Everytime kasi na hindi ko nagagawa ng tama o kaya naman hindi ko nasusundan ang itinuturo niya pinupukpok niya ako ng kahoy na sandok sa kamay at minsan pa ay yung sandok na kakahalo lang sa mainit na niluluto namin kaya naman napapaso at nagkakapasa ako.

Iisipin niyo masyado naman ata akong minamaliit ni Ryan pero hindi ko iyon naramdaman. Sa isang linggong pagsasama namin sa loob ng iisang bubuong may nadiskubre ako tungkol sa kaniya. Isang linggo na nga siyang nakatira sa bahay ni hindi ko nga namalayan na ganun na pala katagal iyon parang kahapon lang ng malaman kong makikitira siya sa amin.

Nasasanay na din ako sa presensya niya sa loob ng bahay. Madaldal din kasi siya tulad ko. Napupuno ng ingay ang buong bahay sa sigawan at bangayan naming dalawa. Nagmimistuala ding fashion show ang buong bahay dahil sa pagpapatalbugan namin.

Nalaman kong may kwelang side din pala siya pero in-born na talaga ang pagka mataray at maldita niya at araw-araw niyang pinapaalala sa akin na hindi nawawala sa isip niya ang GOAL niya: ang kunin sa akin si Patrick. Naging common na sa akin iyon at pinagtatawanan na lang namin.

"Tutunganga ka na lang ba diyan? Malapit ng mag lunch mas okay kung uuwi ang hubby ko na may pagkain na siyang madadatnan." nakataas pa ang kilay niya ng sinabi niya sa akin iyon.

"hubby KO hindi sayo. Bilisan mo na sa pagkuha ng mga kakailanganin natin para makauwi na tayo." sabi ko sa kaniya. Umirap pa siya pero nakita ko ang pagngiti niya.

Isa sa mga nadiskubre ko sa kaniya ay ang ngiti niya. Ang tunay na ngiti ng isang Rhian Sabnero. Oo mataray at maldita ang tingin ng karamihan sa kaniya at isa ako doon pero sa isang linggong iyon na nakasama ko siya sa bahay hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya kapag ngumingiti siya ng ganun. Maganda tingnan bagay sa mukha niya pero bakas ang lungkot. Ganun naman siguro hindi ba? Lahat ng tao may maskara para matakpan ang tunay niyang nararamdaman at para protektahan ang sarili sa ibang mapansamantalang mga tao.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon