Chapter 56

211 8 1
                                    

Sorry ngayon lang po ulit nakapag update ^___^

Inaayos ko pa eh.. Hehehe. Okay.. ito na po muna ang update sensya maiksi lang. Enjoy!

---

Chapter 56

THIRD PERSON'S POV

"Smarty prince.. yohoo.. smarty prince.." kanina pa kumakaway kaway si Rhian sa labas ng students council office pero hindi siya napapansin ni Patrick. Busy ito sa pagbabasa ng kung anu-anong mga folder habang may nakalagay na earphones sa tenga at nakikinig ng music.

"Patrick! Patrick!" tawag pa niya pero wala pa din. Bawal kasing pumasok ang ordinary student sa loob ng SCO. "Ai! Teka sandali sandali," tawag niya sa isang babaeng papasok ng SCO.

"Bakit? May kailangan ka?" mataray na tanong nito sa kaniya.

"Ahmm. Si Patrick, pwede bang makausap?"

"Anong kailangan mo kay Patrick?." pagtataray pa nito. Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa at inismiran na napansin naman agad ni Rhian kaya itinaas niya ang dalawang lunch box na hawak niya.

"Aayain ko siyang mag lunch.. Mag la-lunch kami ng sabay."

"Busy siya." isasara na sana ng babae ang pinto pero iniharang agad ni Rhian ang kamay niya sa pinto na naging sanhi ng pagkaipit niya. Napasigaw siya ng malakas dahil sa sakit. "Hala sorry." binuksan ng babae ng maigi ang pinto para tingnan ang kamay ni Rhian sakto namang naagaw nila ang atensyon ni Patrick na agad tinanggal ang earphones na nakalagay sa tenga at lumapit sa kanila.

"Anong problema dito? Rhian? Anong nangyari sayo?" agad namang tiningnan ni Patrick ang kamay ni Rhian para makita kung may sugat ba ito o wala.

"Kasi naman yang secretary niyo masyadong mataray. Sabi ko sa kaniya tawagin ka para makapag lunch na tayo kaso ayaw niya." malungkot na wika ni Rhian pero sa loob loob niya ay todo ngiti siya dahil plano niya talagang umarte. Hindi naman talaga siya aksidenteng naipit. Sinadya niya yun para mas lallong buksan ang pinto.

"Aba t-teka.. P-Patrick."

"Arianne sana tinawag mo na lang ako para hindi na to nangyari." mahinahon na sabi ni Patrick na ipinagtaka ni Rhian. Madalas kasi mainit ang ulo ni Patrick. "Tara? Lunch na tayo. Sakto nagugutom na ako"

"A-ah.. eto. May packed lunch ulit akong dala." ngiti ngiting sabi ni Rhian sabay pulupot ng braso sa braso ni Patrick. Ngumiti lang si Patrick at sabay na silang naglakad papunta sa cafeteria. Bumelat pa si Rhian dun sa babaeng secretary ng students council.

"Mukhang good mood ka ata ngayon." sabi ni Rhian matapos lumurin ang unang subo niya ng pagkain. Kanina pa kasi niya napapansin na nakangiti si Patrick at malumanay magsalita na hindi naman talaga nangyayari kahit noon pa.

"Ako?" itinuro pa niya ang sarili gamit ang kutsarang hawak.

"Hindi. Baka yung packed lunch, hoi packed lunch bakit good mood ka?" sarcastic na sagot ni Rhian na naging dahilan ng pagtawa ni Patrick. Kumunot ang noo niya dahil alam niyang may iba kay Patrick. "Baliw na prinsipe. Panigurado si Yssah nanaman yan no?" nakangiti niyang sabi. Alam naman niya na si Yssah lang ang nagiging dahilan ng kakaibang kilos ni Patrick kaya hindi na siya nagtataka kung ang isagot ni Patrick ay oo.

"Oo, si Yssah nga." nakangiti pa din si Patrick na para bang inaalala niya ang nangyari.

"Share naman diyan!" panguusisa ni Rhian kay Patrick.

"Ayaw ko nga. bleh" 

Did Patrick just did what I think he did?  Tanong ni Rhian sa isip niya dahil biglang bumelat si Patrick na super ngayon niya lang nakita dahil hindi nga mahilig si Patrick sa mga childish acts. Pero ngayon, he's doing it.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now