Chapter 93

141 7 2
                                    

3rd update for today :) Start po sa chapter 91 ha baka malampasan niyo :)

Hindi ko alam kung okay ang chapter na 'to pero alam kong magbubunyi ang iba sa inyo :))

VOTES and COMMENTS :)

---

Chapter 93

YSSAH’S POV

Sumandal ako sa swivel chair ko at hinilot ng konti ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa dami ng mga papel na ‘to. Mas gusto ko pang mag-aral kaysa gawin ang mga ‘to eh.

KGRRRRRRR!

Tingnan niyo pati sikmura ko nagre-reklamo na. Tiningnan ko ang orasan ko, 5:42 pm. Nako naman Yssah palubog na ang araw hindi mo pa namamalayan. Hindi ka man lang nakakain ng lunch. Kaya pala sumasakit na ang ulo ko dahil wala pang laman ang tiyan ko.

KNOCK KNOCK KNOCK!

“Come in.”

“Ma’am may nagpapabigay po.” Nagpapabigay?

Hindi ko alam kung bakit pero ng sinabi ni Joyce na may nagpapabigay medyo nawala ang sakit ng ulo ko at napangiti ako. Kinuha ko ang bulaklak na hawak niya pero nawala ang ngiti ko..

“Pwede po ba akong magsalita as a friend?”

“Sure, go ahead.”

“Gaga! Disappointed ka na ng lagay na ‘yan?”

“Mas okay siguro kung ma’am ulit ang itawag mo sa akin.” Pabiro kong sabi sa kaniya. Kasi naman gaga agad ang unang lumabas sa bibig.

Si Joyce, kaibigan ko siya at secretary ko pa. Marunong naman siyang ihiwalay ang trabaho sa personal life. Marunong din siyang magpaka professional lalo na sa trabaho pero kung ganitong eksena at gagala kami mas kalog pa sa akin ‘yan.

“Hmp. Ikaw naman kasi sinusuyo ka na dati at halos mag transform ang opisina mong ‘to sa flower shop ang ganda ganda na nga at ang sweet sweet pa tinaboy mo naman ng tinaboy. At ngayong wala na hinahanap mo.”

“Hindi ko hinahanap.”

“Hindi daw. Kaya pala kitang kita ko yung ngiti mo ng sinabi kong may nagpapabigay. Assumerang palaka!” tingnan mo ‘tong babaeng ‘to nagawa pa akong asarin. Hindi ko naman talaga hinahanap eh.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon