Chapter 67

150 5 2
                                    

Okay, unang una po SORRY dahil ngayon lang ako nakapag update. Wala na po kasi kaming wifi at mas lalong wala na din kaming gadgets (maliban sa phone kong hindi android). Kinuha kasi lahat ng gadgets dito sa bahay eh. Hindi naman ako makapag comp. shop dahil pangalawa, busy po sa school.

Dedicated sa kaniya dahil nakita ko sa inbox ko kanina na nag message siya, one week ago pa pala yon at hinahanap niya si Patrick at Yssah. Gusto niyang mag update ako pero maghihintay daw siya kung kailang ako mag a-update. Thank you dahil kahit natatagalan naghihintay ka pa din :)

Gustong gusto ko po mag update na dahil alam kong may naghihintay pero hindi talaga kaya. Mabuti na lang nakagawa ako ng paraan :) Read and enjoy :)

----

Chapter 67

YSSAH'S POV

"Gino, salamat ulit." sabi ko sa kaniya habang pababa ng kotse. Hindi ko na siya hinayaang bumaba din ng kotse para pagbuksan pa ako.

9pm na kasi. Masyado ng late baka kanina pa ako hinahanap ni Patrick. Kung tutuusin kanina ko pa gustong umuwi dahil hindi ko nga dala ang phone ko baka mamaya hinahanap na ako. Kaso itong si Gino nilibre pa ako ng ice cream. I love ice cream kaya nakalimot nanaman ako sa oras.

"Ayaw mo ba talagang samahan kita? Ako na magpapaliwanag kay Patrick." kanina pa niya yan sinasabi kaso baka lalong magalit si Patrick kapag nakita pa siya.

"Wag na. Okay na ako diba? Salamat ulit Gino ah."

"Tatawag ako mamaya para masigurado kong okay ka lang."

"Ang kulit. Babye na!" nag babye ako sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumango. Isinara ko na ang pinto at pinaandar na niya agad.

Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay dahil baka mamaya wala ng gamit na natira sa loob dahil baka nagwala na si Patrick dahil hindi ako makita.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, I regret my decision. Sana pala sinama ko na lang si Gino dito. Sana nandito siya para iligtas ulit ako sa isang eksenang masakit sa mata at sa puso.

Bakit ba palagi na lang ganito ang eksena? Hanggang sa loob ng bahay ba naman naghaharutan pa sila? Bakit may kilitian pa? Bakit kailangan kong marinig ang tawanan nila?

Ni hindi nga ata nila napansin na nandito na ako eh. Si Patrick na nakaupo sa sofa ay kinikiliti ni Ryan. Nagtatawanan sila. Gumaganti pa ng kiliti si Patrick. Wow ah. Nakita ko ang mga libro at papel sa glass table na nasa harapan ng sofa.

Nag-aaral sila? Kakaiba na pala ang pag-aaral ngayon. I cleared my throat na naging dahilan para mapaharap sila sa akin.

Agad silang tumigil sa ginagawa nila. Nanlaki pa nga ang mata ni Patrick at agad tumayo para lapitan ako.

"Yssah.. bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinahanap. Nag aalala ako sayo."

"Talaga? Kaya pala busyng busy kayo." note the sarcasm. Tumataray ako kapag nakikita ko ang Ryan na 'to eh!

"Yssah hindi ko gusto ang tono mo." pagbabanta niya. Eh ako? Nagustuhan ko ba ang eksenang nakita ko?

Nakakainis! Nararamdaman ko nanaman ang namumuong mga luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi nanaman sumusunod sa akin ang mga luha ko. Any minute babagsak na sila.

"Sorry.." yun na lang ang nasabi ko at naglakad na papunta sa hagdan na tinutungo ang kwarto ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko si Ryan na nakaupo sa sofa, sitting pretty and she's smirking. Panalo nanaman siya?

"Yssah! Yssah go back here!" sige, sigawan mo ko. Sige, tawagin mo ako. Hindi kita lilingunin hanggang nandiyan ang Ryan na yan.

Nakapasok ako sa kwarto ko at agad ni-lock ang pinto. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Nandito nanaman ako eh, nag mumukha nanaman akong kawawa.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now