Chapter 79

89 4 0
                                    

Ito na po ang isa pang chapter :)

Pasensya na po sa spacing hindi ko na inedit..

---

Chapter 79

RHIAN’S POV

Looking at them really makes me smile. Their miseries is my happiness. Think every negative things about me, I don’t care. I just want what’s really mine.

“Ate, kailan ka uuwi sa bahay? Palagi ka na lang nandito sa condo mo, eh mas maliit pa ‘to sa buong kwarto mo eh.” Napapikit ako, sumasakit ang ulo ko sa bubwit na ‘to eh.

Yeah, may kapatid ako. Anim na taon pa lang siya at maliit lang na bata pero dinaig pa si daddy at mommy kung makasermon sa akin. Mausisa din siya inosenteng tingnan pero maliit talaga siyang demonyita.

Bakit ba siya nandito? Dahil kailangan ko siya. Walang taga-linis ng condo ko sayang ang pera kaya isinama ko siya dito. Kahit anim na taon lang yan masyadong nagmana yan kay mommy ayaw niya sa magulo at makalat.

Minsan nga iniisip ko baka matanda na talaga siya sadyang hindi lang tumanda at tumangkad.

“Pwede wag mo akong pakialaman kung saan ko gustong tumira. Kung tapos ka ng maghugas pumasok ka na sa kwarto mo. Wag mo akong abalahin.” Inis kong sabi sa kaniya. Sumunod naman siya sa sinabi ko at dumiretso na sa kwarto niya.

Tss. Ibabalik ko din ang batang yan sa bahay. Kailangan ko lang matapos ang plano ko. Tiningnan ko ang mga litratong nasa harapan ko. Malapit na tayong magkasama Patrick. Konting panahon na lang. Mapapa sa akin ka din. Matutupad na din ang pangarap ko.

Narinig kong bumukas ang pinto ng condo ko. At tumambad sa akin ang taong hinihintay ko. Nginitian ko lang siya.

“Hindi ka pa din ba titigil?!” sigaw niya sa akin.

High blood agad? Kararating niya lang sinisigawan na niya ako kaagad. Bakit di siya maupo muna katulad ko. Inabot ko sa kaniya ang isang baso ng juice na tinimpla ko para sa sarili ko kaso mukhang mas kailangan niya.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt