Chapter 94

123 6 1
                                    

HELLOOOOOO! Sorry kung ngayon lang ako nakapag update dahil biglaan po kaming umuwi sa probinsya, walang net. well, bawi ako ngayon :)))

Four chapters ang ia-update ko po ngayon ah. Chapter 94 to chapter 97...

Malapit ng matapos, super duper 1000000% sure.

Ita-type ko na po ang epilogue, gagawin ko na lang pong isang mahabang chapter ang epilogue, okie? :) enjoy reading :)

---

Chapter 94

THIRD PERSON’S POV

“HINDI! THIS CAN’T BE! HINDI PWEDE!!” nagwawala na si Rhian dahil sa mga litratong natanggap niya. Magkasama si Yssah at Patrick at halatang masayang masaya. “THEY CAN’T BE HAPPY!” halos maputol ang litid ni Rhian sa kakasigaw.

“Rhian calm down.” Awat ni Manuel sa kaniya.

“Paano? Paano ako kakalma kung ang babaeng ‘yon masaya?! Kinuha niya sa akin si Patrick! Kinuha niyaaa!”

“Hindi mo kailangan si Patrick. Hayaan mo na siya.”

“No, I can’t. Patrick is mine! MINE!”

“Pakawalan mo na si Patrick..”

“Pakawalan? How can you say that, dad? Bakit hindi mo na ako tutulungan ngayon?! Gawin moa ng lahat para kumapit ulit siya sa atin! Hindi siya pwedeng mawala!” itinapon ni Rhian ang isang vase at tumama ito sa isang babasaging mesa kaya parehas nabasag.

Naalala ni Manuel ang ginawang pakiusap noon sa kaniya ni Patrick.

“I’m sorry, sir. Alam ko pong wala akong karapatang humingi ng sorry sa mga nagawa ko pero nakikiusap po ako..”

“A-anong ginagawa mo?” lumuhod sa harap niya si Patrick.

“Sir. Hindi na po kami pwedeng magsama ni Rhian. May mahal po akong iba at gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Nandito po ako sa harap niyo para tanggapin ang kahit na anong parusa na ibibigay niyo pero sana po kahit ganito ang sitwasyon, wag niyo pong ipagkait sa akin si Rheina. Alam kong alam niyo po ang tinutukoy ko, kahit anong mangyari anak ko pa din siya. Nakikiusap po ako.. masasaktan lang po namin ni Rhian ang isa’t isa kung ipagpapatuloy pa namin ‘to.”

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon