Chapter 77

103 7 3
                                    

Sa hindi ko malamang dahilan naiba ata ang font -_____-" di ko maayos.. Psh. Pagpasensyahan niyo na ginawa ko kasi ang chapter na 'to sa word kaya di ko na nabago.

Okay, third and last chapter for today.. Pinahaba ko 'to ah :)

(3/3)

---

Chapter 77

THIRD PERSON'S POV

Tuloy tuloy ang preparation na ginagawa ng mga nasa Theatre Club saktong eight days na lang ay araw na ng play nila kung saan magtatanghal sila sa harap ng halos nasa 500 katao. Nakaka kaba kung titingnan pero pinaghahandaan talaga nila ng sobra ang pagdating ng araw na iyon.

Busy ang lahat sa pag aayos ng venue at kasabay na ang pag pa-practice ng mga cast ng buong 30 scenes. 5 hours straight na ang pag pa-practice nila Yssah at Gino kasama ang ibang cast ni wala man lang silang 5 minutes break dahil sa sobrang paghahanda.

Mainit ang ulo ni ms. Evangelista dahil na din sa sunud-sunod na stress na dulot ng play. May inimbitahan pa kasi ang presidente ng school na ilang mga kaibigan mula sa iba pang kilalang eskwelahan. Kaya naman mas bumigat ang pressure na dala ng play.

"From the top! Hindi ko maramdaman ang feelings sa inyo! Mr. Cabrera, ano bang problema napapadalas na ata ang pagkawala ng focus mo. May misunderstanding ba kayo ni ms. Velasco? Dahil kung meron.. ayusin niyo na kaagad. It's affecting the whole essence of the play!" inis na sita ni ms. Evangelista.

Inulit ulit ng buong cast ang scene simula scene one. Hindi na mabilang kung ilang beses na silang umulit sa pinaka simula. Nawawala sa focus si Gino, ni hindi niya magawang tumingin sa mga mata ni Yssah, ni hindi niya magawang hawakan ang mga kamay ni Yssah at mas lalong namimilipit ang dila niya kapag kakausapin na si Yssah.

Ilang araw na din siyang wala sa play ang utak. Naglalaro pa din naman siya ng basketball at sa katunayan may game sila makalawa pero hindi niya sigurado kung makakapaglaro pa siya ng maayos sa kundisyon niya.

"Okay, STOP! TAMA NA! SUMASAKIT LANG LALO ANG ULO KO SA INYO!" pabagsak na nilagay ni ms. Evangelista ang steal folder sa mesa. Napaupo siya habang hinihilot ang sentido. Hindi na niya alam ang gagawin niya kung kailan palapit na ang araw ng play.

Lumapit si Diane kina Yssah at Gino at inabutan sila ng tig isang mineral water. Tumango lang si Gino at naglakad na dala ang gamit palabas ng studio ni hindi man lang kinuha ang mineral water na inaabot ni Diane. Nagaalala namang sinundan ng tingin nina Yssah at Diane ang kaalis lang na si Gino.

"Lately napapansin ko may problema si Gino. Nag away ba kayo?" tanong ni Diane kay Yssah

"Away? Ano namang pagaawayan namin?" nagkibit balikat si Yssah.

Imposibleng walang makapansin sa mga kinikilos ni Gino masyado siyang wala sa sarili at parang palaging may bumabagabag sa kaniya ni hindi nga niya magawang ngumiti ng maayos. Nawala ang bright at jolly na aura ni Gino.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Där berättelser lever. Upptäck nu