Chapter 95

101 5 2
                                    

Second chapter for today. Simula chapter 94 ha :)

(2/4)

---

Chapter 95

Pumasok si Gino sa kwarto ni Yssah only to see that she’s sleeping. Sabog ng buhok at tumakip ang ibang hibla sa mukha nito, her mouth slightly opened and little snores came out of her mouth. Puyat at pagod na pagod si Yssah dahil magdamag niyang tinapos ang trabaho niya. Balot na balot ang buo niyang katawan ng kumot habang nakabukas pa ang aircon. Natawa pa si Gino sa itsura ni Yssah, kahit lamig na lamig na hindi pa din tumayo para patayin ang aircon. Siya na ang nagpatay ng aircon at tsaka siya naupo sa tabi ni Yssah na mukhang cocoon.

“Yssah..” tawag niya dito. Tinapik niya ang binti nito. “Yssah.”

Gumalaw ng konti si Yssah. Tumagilid lang ito tsaka nagtakip ng unan sa mukha. He laughed. Tinapik niya ulit ang binti nito at inalis ang kumot.

“Hmm. Ano ba..” bulong ni Yssah sabay hatak pabalik ng kumot.

“Wake up sleepy head.” Bulong ni Gino sa tenga ni Yssah.

Napamulat si Yssah at hindi na siya nagulat na si Gino ang unang nakita niya. She smiled at him.

“Good morning.” Inaantok na bati niya kay Gino.

“Good morning. Gising na, tanghali na.” she pouted ng marinig niyang kailangan na niyang gumising.

“Inaantok pa ko.”

“Mamaya ka na lang matulog. Nandiyan si Patrick sa baba. He’s been here for an hour and a half. Ayaw ka naman niyang gisingin.”

Yssah stared at him. She’s searching something in his eyes. Gino smiled because he knew what she was doing. He cupped her face.

“I told you I am getting better as long as you’re happy.” Wika ni Gino. “Sige na, maghilamos ka na puno ka pa ng pawis na laway. Kadiri ka.” Tumatawang sabi ni Gino. Isang hampas tuloy sa braso ang natanggap niya.

“Ewan ko sayo. Sabihin mo bababa na din ako.”

Gino nodded. Nauna na siyang bumaba at sinabing susunod na lang pababa si Yssah dahil ginagawa pa ang morning rituals nito. Naupo siya sa tabi ni Patrick at mabuti na lang ay hindi na nagtagal si Yssah at bumaba na dahil awkward sa pagitan nila ni Patrick, walang nagsasalita.

Hinayaan ni Gino muna ang dalawa sa living room. Pumunta siya sa kusina kung saan nandoon ang mommy nilang si Elaine na naghahanda na ng tanghalian nila.

“Mom, do you need any help?” Elaine stared at him for a while then smile.

“Talupan mo na lang ‘yang mga patatas tapos hiwain mo.” Tumango si Gino at sinimulan na ang pagtatalop ng patatas. Tahimik lang sa kusina at ang tanging maririnig ay ang tawanan at kulitan mula sa living room. “..Okay ka lang ba, anak?” tanong ni Elaine.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now