Chapter 81

111 7 3
                                    

Chapter 81

THIRD PERSON’S POV

Tatlong araw ding hindi pumasok sa school si Yssah. Sa tatlong araw na iyon ay nasa loob lang siya ng kwarto niya at bihira lang kung lumabas. Kung makaramdam man siya ng gutom ay lumalabas din naman siya ng kwarto pero sinisigurado niyang hindi sila magkikita ni Patrick, mahirap ang ginagawa niya dahil sa iisang bubong lang sila nakatira.

Kahit mahirap pinilit talaga ni Yssah na wag makasalubong ang kahit na sino. Kapag nagugutom siya tinitiis niya muna at tuwing madaling araw na siya lumalabas para kumain. Ilang beses din siyang tinext at tinawagan nina Diane, Gino at ng mama niya kaya pinatay na lang niya ang cellphone niya, ni hindi na nga niya alam kung saan na niya inilagay ang phone dahil wala na din naman siyang pakialam.

Dinalaw din siya nina Diane, Lauren at Jessa pero hindi niya ito nilabas kahit alam niyang nag-aalala lang naman ang mga ito sa kundisyon niya.

Ilang beses na din siyang sinubukang kausapin ni Patrick, sinusubukan din siyang dalhan ng pagkain pero nagmamatigas siya dahil hindi niya pa din mahanap ang saya sa puso niya, masakit pa din ang lahat.

Ngayon ang pang apat na araw niya. Napangiti si Yssah ng maramdaman ang init ng sikat ng araw na tumatama sa kaniyang balat. Ipinikit niya din ang kaniyang mga mata habang dinadama ang init. Pakiramdam niya taon ang binilang ng huli siyang tamaan ng sikat ng araw dahil sa pagkukulong niya pero dahil sa katahimikan na iyon madami siyang na-realize.

Hindi dapat siya nagmumukmok sa loob ng kwarto. Oo, masakit pero lahat naman nakaka experience ng ganun sadyang nagsabay-sabay lang yung sa kaniya. She’s Isabella Velasco at hindi matutuwa ang papa niya kung nakikita siyang lugmok.

“Yssah..” iminulat niya ang kaniyang mga mata ng marinig ang boses na gustong gusto niyang marinig. No one knows how much she missed that voice. Ngumiti siya ng makita ang mukha ng lalaking pinakamamahal niya.

“Okay ka na?” tanong ni Yssah na para bang may kung naong problema si Patrick.

“Ako dapat ang magtanong sayo niyan. Okay ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” malumanay at nag-aalalang tanong sa kaniya ni Patrick.

“I’m fine, Patrick.” Lumapit sa kaniya si Patrick para sana yakapin siya pero agad siyang umiwas. “..teka, kumain ka na ba?” iwas ni Yssah at dumiretso siya sa kusina.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now