Chapter 80

102 6 1
                                    

Chapter 80

THIRD PERSON’S POV

Hindi na matandaan ni Yssah kung paano siya nakatayo ng mga oras na iyon. Ilang beses siyang itinayo ni Diane pero itinulak niya lang ang kaibigang ng ilang beses. Nagmistula siyang batang nagta-tantrums dahil hindi nasunod ang gusto niya.

“Isabella! Isabella!” ilang beses siyang tinawag ni Diane pero hindi siya lumingon.

Itinulak lang niya si Diane ng magtangka itong hawakan siya. Tiningnan niya ang kaibigan na para bang sinasabing wag siyang susundan dahil gusto niyang mapag isa kahit ngayon lang. Lumapit ulit si Diane sa kaniya para kunin ang envelope para makita kung anong laman pero agad iyong inilayo ni Yssah at naglakad na siya palayo.

Nawala siya sa sarili, gusto niyang itapon ang brown envelope na hawak niya pero mukhang may glue ata dahil hindi niya magawang bitawan.

Wala siyang marinig at mas lalong parang wala na din siyang nakikita. Ilang beses may nakabangga siya at ilang beses na din siyang natumba pero tumatayo din siya agad at nagpapatuloy sa paglalakad. Minumura na siya ng ibang mga tao dahil hindi siya nagso-sorry sa tuwing nakakabangga siya.

Iisiping isa siyang baliw sa itsura niya. Umiiyak at tumatawa.

Walang malinaw na direksyon ang patutunguhan ni Yssah at wala din siyang balak umuwi. Gusto niya munang makalayo, gusto niyang makapunta sa lugar kung saan tahimik, gusto niyang makapag isip. Masyadong magulo na kasi ang utak niya hindi na masyadong gumagana ng maayos dahil na din sa pagpapabaya niya sa sarili.

---

“Hindi siya sumasagot. Nag ri-ring naman ang phone niya eh.” Natatarantang sabi ni Diane habang hawak ang cellphone niya at kanina pa niya tinatawagan ang number ni Yssah pero ring lang ng ring.

“Try calling her again.” Nagda-drive si Gino at sinusundan nila ang direksyon kung saan huling nakitang dumaan si Yssah. “..kanino ba ang envelope na yon?”

“Hindi ko nga alam. Bigla na lang may bumangga kay Isabella kaninang lalaki tapos nalaglag yung envelope akala naman namin may information sa loob ng envelope tungkol dun sa lalaki dahil balak nga naming ibalik yung envelope kaso ng makita niya yung laman.. bigla na lang siyang nawala sa sarili niya ng makita ang laman ng envelope nung kukunin ko na ayaw naman niyang ibigay. Parang di niya nga ako kilala dahil itinulak niya ako ng itinulak kanina.”

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon