Chapter 74

97 4 0
                                    

Chapter 74

THIRD PERSON'S POV

Tumutulong si Yssah sa mga estudyanteng member ng Theatre Club, props team sa pag aayos at pag gawa ng mga props na gagamitin sa nalalapit na play. Dalawang linggo na lang at mangyayari na ang actual play nila na sobrang pinagpaguran at pinaghirapan. Nakapag bigay na din sila ng notice or announcement sa buong school nila at nakapagbigay na din din sila ng mga flyers sa mga outsiders dahil magiging open ang buong school for outsiders sa araw na iyon. Pero syempre tuluyan ka lang makakanuod ng play kung bibili ka ng ticket.

NAgtutulungan ang mga miyembro ng Theatre Club sa paggawa ng props, kakatapos lang nga mga cast sa pagpractice kaya minabuti na din nilang tumulong sa mga kasamahan. May mga naggugupit ng mga karton, naglalagari ng mga kahoy at ang iba ay nagpipintura.

"Paabot nga ng green, Tina." sabi ni Yssah kay Tina, isa sa mga miyembro ng props committee. Inabot naman ni Tine ang isang lata ng pintura na kulay green kay Yssah. "..thank you."

Pagpipintura lang ang ginawa ni Yssah para makatulong, hindi naman kasi siya pwedeng maglagari o kaya naman gumupit at magdrawing dahil hindi niya gamay ang mga dapat gawin sa mga props dahil hindi namn siya nakatoka sa gawain na iyon at mas lalong hindi siya kasama sa miyembro ng props committee kaya naman naisip niya na tumulong sa paraan ng pagpipintura.

"Pupunta ka ba mamaya?" tanong ni Tine kay Yssah. Parehas na silang may pintura ang mga kamay at may tapsik pa sa braso at sa damit.

"Mamaya? Saan?" kunot noong tanong ni Yssah habang nakatingin pa din sa pinipinturahan niya. Napailing iling na lang si Tine sa tanong ni Yssah dahil alam niyang nakalimutan ni Yssah kung ano ang meron ngayong araw.

"Hay nako.. malala ka na talaga." naiiling na sabi ni Tine. Ipinagpatuloy niya ang pagpipintura at muling nagsalita. "..tama nga ang sinabi ni Diane." as if on cue ng pagkakasabi ng pangalan ni Diane ay bigla na lamang sumulpot si Diane. Nasa baba si Diane ng stage at nakatingin sa kanila.

"Isabella! Ano ka ba naman, bakit hindi ka pa din nag aasikaso?" pasigaw na sabi ni Diane sa kaibigan. Naguguluhan namang tumingin si Yssah kay Diane. Ang dungis pa ni Yssah dahil sa mga pinturang tumalsik sa kaniya.

"Ano bang meron?" nasapo ni Diane ang ulo. Masyadong nalibang si Yssah sa pagpipintura kaya naman nakalimutan na nito na may pupuntahan sila.

"Ay shunga.. basketball game.. Gio University.. ring a bell?" pinandilatan pa ni Diane ng mata si Yssah para makuha nito ang gusto niyang iparating.

Mahinang pinukpok ni Yssah ang ulo niya ng maalala kung nao ang meron.. si Gino!  Tunay ngang nawala sa isip niya ng game ni Gino. Nakapag promise pa naman din siya na manunuod siya ng game. Hindi nakapag practice kanina si Gino dahil kailangan niyang magpratice para sa laban mamaya na naintindihan naman ni Ms. Evangelista kaya pinayagan niya si Ginong huwag munang magpratice. Alam niya din kasing nauna ang basketball team kay Gino kaysa ang Theatre at malaki ang improvement ni Gino sa tuwing nagkakaroon sila ng practice para sa play kaya naman hinayaan na muna siya ni Ms. Evangelista.

"Nawala talaga sa isip ko! Teka, anong oras na ba?"

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now