Chapter 73

121 7 1
                                    

Chapter 73

THIRD PERSON'S POV

Kaliwa't kanan ang mga gawain at responsibilidad nina Yssah at Patrick na dapat nilang unahin. Si Patrick na madaming school works at syempre ang big project nila na inatas sa kaniya at idagdag pa ang katunayang kailangan niyang tumulong sa daddy niya sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Si Yssah naman ay busy din sa school works niya at sa play na sinalihan niya. Okay na din namang pareho silang busy para hindi nila namamalayan ang lungkot na hindi kasama ang isa't isa. At para na din hindi sila nag aaksaya ng oras sa kakaisip masyado saisa't isa.

"Yes, dad. I'm on my way." sabi ni Patrick sa daddy niya na kasalukuyang kausap niya sa cellphone.

Nakaipit ang cellphone niya sa pagitan ng kaliwang tenga at kaliwang balikat niya habang isinusuot naman niya sa kanang braso ang suit. May meeting siya in behalf of his father kasama ang mga board members ng kumpanya nila. May mga importante din kasing dapat unahin ang daddy niya kaya nakiusap itong si Patrick muna ang pumalit sa kaniya.

"..no, dad. I told you it's fine. I already told them what they need to do so it wouldn't be a disturbance to any of the heads." paninigurado ni Patrick sa daddy niya na kanina pa humihingi ng pasensya sa kaniya dahil inabala siya nito kahit alam naman niyang busy din si Patrick.

Inilipat ni Patrick sa kanang tenga at kanang balikat ang cellphone niya para maisuot naman sa kaliwang braso ang suit. Kailangan na niyang magmadali dahil kalahating oras na lang ay magsisimula na ang meeting nila. Kasalukuyan siyang nasa Cebu para sa meeting na iyon ast mag s-stay siya ng dalawang araw at isang gabi sa Cebu.

"..okay, okay, yeah, bye." natapos na ang tawag at agad niyang inayos ang suot niya. Wala siyang katulong sa pagsuot ng damit niya, wala si Yssah na palaging tumutulong sa kaniya mag ayos ng necktie niya.

Kinuha niya ulit ang phone niya para i-text si Yssah ng biglang tumunog ito. Napabuntong hininga na lang siya sa nakita niya. Panibagong tawag nanaman. Sumasakit na ang tenga niya sa kaliwa't kanang pagtawag sa kaniya ng mga kliyente at ng sekretarya niya. Oo, may sekretarya na siya.

---

"Kim.. Kim, kausapin mo naman ako oh." nagsusumamong sabi ni Matthew (Gino). Hindi siya pinansin ni Kim (Yssah). Nagsulat si Kim (Yssah) sa kaniyang notebook na para bang wala siyang narinig.

"Kim.." tawag ulit ni Matthew (Gino) kay Kim (Yssah). Ipinaharap niya sa kaniya si Kim (Yssah) kaya naman natigil ito sa pagsusulat. "..ano bang problema? Anong nangyari? Bakit hindi ka pumunta sa tagpuan?" may tono ng lungkot, pag aalala at frustration ang boses ni Matthew (Gino).

"Tama na." sabi ni Kim (Yssah) tinabig niya ang kamay ni Matthew (Gino) na nakahawak sa balikat niya.

"Anong tama na?" naguguluhang tanong ni Matthew (Gino).

Wala siyang nakuhang sagot kay Kim (Yssah) bagkus ay ipinagpatuloy nito ang pagsusulat sa notebook na natigil kanina dahilsa ginawa ni Matthew (Gino). "Kim ano ba!" inis na sigaw ni Matthew (gino) gusto niyang alamin ang saloobin ni Kim (Yssah).

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now